Blind Item: Baguhang singer, hindi marunong tumanaw ng utang na loob!

ADVERTISING

Blind Item: Baguhang singer, hindi marunong tumanaw ng utang na loob!MARAMI ANG NAGSASABI na may pagka-ingrata diumano ang baguhang singer na napapansin ngayon sa maganda niyang kanta. Kahit pa sabihin natin na may potential na maging isang sikat na mang-aawit ang dalaga, mas napukaw nito ang atensyon ng madlang pipol dahil sa mga kontribusyon ng mga kapamilya nito sa showbiz industry.

Balita na ang dalaga raw ay mapag-mataas at hindi nirerespeto ang mga kamag-anak na mas nauna sa showbiz. Sa isang panayam daw nito ay may tinuran ito na para bang hindi nire-recognize bilang importanteng tao ang isang kapamilya na nagpakain sa kanya lalo na ng ito’y sanggol pa lamang. Maliban dito, pati ang isa pang tiya na nagpaaral at nagpakain sa kanyang pamilya ay dine-deadma raw nito.

Hindi kami sure kung may iba pang hugot ang baguhang singer o baka naman na-brainwash ito ng kanyang immediate family. Sayang naman kung matatabunan ng negative publicity ng pagiging ingrata ang sana’y promising career ni bagets sa music scene.

ADVERTISING