Blind item: Baguhang aktor kawawa sa sikat na aktres

HINDI NGA RAW masaya ang isang sikat na aktres na ipareha siya sa isang nameless actor na wala pang napapatunayan.

Pero dahil wala rin namang magandang project for her, tinanggap na lang niya ito. Kilala ring bratinella si sikat na aktres. Na mahilig itong mag-trip sa mga mas mababang aktor sa kanya at pahirapan ang mga ito mula sa iskedyul at ultimo pagpapa-primadona sa set. Good luck na nga lang daw ang wish ng lahat nang malaman nilang ito ang makakatrabaho ng baguhang aktor.

Hindi precious ang project na sinasabi ng aktor dahil dusa raw tiyak ang mararanasan niya sa sikat na aktres.

By Ambet Nabus