Blind Item: Aktress, nagpapakayaman gamit ang pondo ng gobyerno

MAHULAAN N’YO KAYA kung sino itong aking pahuhulaan sa inyo? Naku, maloka kayo dahil mayaman na nga itong si kuning-kuning na actress ay nagpapakayaman pa gamit ang pondo ng gobyerno. Naku, ito talagang Parazzi Girl ko,  pati ba naman ang goyerno alamin ba? Ha! Ha! Ha! Itong si actress kuning- kuning ay kasabwat pala sa isang malaking bentahan ng lupa sa isang probinsya kung saan ang pinakamalaking pulitiko pa ang kasabwat niya para mabenta ang lupa na nagkakahalagang P60 milyon. Kung hindi rin nagkakamali ang aking Parazzi Girl, para mabenta lang sa isang negosyanteng Instsik ang lupa ay si actress pala ang naging tulay sa negosyante sa malaking halaga. Take note kung magkano ang porsyento ni actress kuning-kuning sa pulitiko -kalahati ng pinagbentahan na halaga. ‘Di ba, bongga? Ang nakakaloka, kinukwestiyon ngayon ang bentahang ito dahil hindi dumaan sa bidding at pulitiko pa ang involved at ang kaban ng gobyerno kaya, naku, makukulong din daw itong si actress kung mapatunayan. Kalerke nga naman. Hmmm…Naku, nahulaan n’yo na ba? Clue? Si actress ay tinawag ng biyenan niya na prostitute. Ha! Ha! Ha! ‘Yun na!

by Tita Swarding