Blind Item: Aktres, tsugi dahil ayaw magpa-seksi!

ADVERTISING

Blind Item: Aktres, tsugi dahil ayaw magpa-seksi!MATINDI ANG ALINGASNGAS na wala na sa isang comedy show ang aktres. Totoo kaya na nahihirapan diumano sa kanya ang production at nagbibigay ng sakit ng ulo?

Totoo bang nagkaroon ng  problema ang  wardrobe  at ang aktres?

Ayaw na raw magsuot ito ng seksing damit?

Dumating pa raw sa point na kinausap na ng wardrobe ang boyfriend ng aktres . Marespeto  at mabait naman daw itong sumagot sa wardrobe  na pag-usapan na lang  nila at ayusin na lang kung ano ang isusuot.

Pero ‘yung aktres pa raw ‘yung mataray at sabay sabing wala raw silang dapat pag-usapan ng wardrobe.

ADVERTISING

True ba na nagpakita na ng attitude ang aktres sa naturang show?

May insidente pa raw na pinahiram siya ng bikini ng isang kasamahan sa show pero hindi  raw niya ginamit sa program at  bagkus ginamit na lang sa pictorial niya para i-post sa Instagram.

Nakalimutan yata ng aktres na kaya siya kinuha sa show dahil kailangan siya sa opening na medyo sexy pero hindi naman bastusin.

Sabi naman ng isang katoto, may katabaan kasi ang aktres ngayon kaya ayaw siguro magpa-sexy.

ADVERTISING