Hindi ang ex-BF ang ama ng bata: malditang aktres, six years old na ang anak!

ADVERTISING

ISANG KAPITBAHAY NG isang aktres na nagtatrabaho sa isang mall ang nakatsika namin at sinabi niyang totoo naman daw na may anak na ito. At medyo malaki na raw ang bata, mga five to six years old na raw.
Tinanong namin kung ang ex-boyfriend ng aktres na isang modelo ang ama ng bata, pero hindi raw. Non-showbiz daw ang guy na ngayon ay nakatira na sa abroad.
May natsika naman kaming manager ng isang sikat na boutique at naikuwento nito ang kamalditahan ng aktres. Minsan daw, sa isang outlet nila sa isang malaking siyudad, kasama ng aktres ang kanyang baklitang alalay. Papasok sana ang baklita sa boutique pero pinigilan ito ng aktres at pataray na sinabing ‘wag kang pumasok ‘dyan.’
Da who ang aktres? Naku, kilalang-kilala siya ng isa pang aktres na may magandang puso! ‘Yun na!

(By Alex Brosas)

ADVERTISING
ADVERTISING