Blanktape, dinagsa sa launching ng ng AlDub Nation

ADVERTISING

Blanktape, dinagsa sa launching ng ng AlDub Nation

BlanktapeNAPADAAN KAMI sa Fishermall last Friday at dahil nakarinig kami ng hiyawan na sinasabayan ng palakpakan ay napaakyat kami sa Activity Center ng naturang mall. Nakita namin ang dagsang fans na nakikinig sa mga awiting ginawa ni Blanktape na tungkol sa pagmamahal. Sa naturang mall ginawa ang launching ng album ni Blanktape na titled AlDub Nation.

Pagkatapos ng launching, kung saan kinanta ni Blanktape ang ilan sa nilalaman ng album, tulad ng AlDub (Ang Tamang Panahon), Pabebe Wave, My Bebe Love, AlDub Nation (Sa tamang panahon), at Ayaw Pakinggan.

Nagulat kami na si Blanktape pala ang may gawa at kumanta ng awiting My Bebe Love na dapat sana ay isasali niya sa contest sa Eat Bulaga, pero hindi natuloy dahil kinuha na siyang recording artist ng GMA Records. Bago pa lang daw pumutok ang contest sa Eat Bulaga para sa mga gagawa ng kanta ng tungkol sa love team nina Alden Richards at Maine Mendoza, nakagawa na siya ng mga kanta about Pabebe Love at iba pa na bagay maging theme song ng love team nina Yaya Dub at Alden.

Gusto raw sana niyang isali ang mga kantang ginawa pero pinapirma na siya ng kontrata sa GMA Records kaya bawal na itong isali sa anumang contest. Kapalit naman ng pagpirma niya sa GMA Record ay paggamit daw ng kanyang mga nilikhang kanta sa mga serye na nakatakdang ilabas sa GMA 7.

ADVERTISING

Tinanong din namin si Blanktape kung bakit wala sa launching ng bagong album niya ang manager na si Lito de Guzman? Wala na raw siya sa poder ni Lito de Guzman. Natapos na raw kasi ang kontrata niya at hindi na sila nagkaroon ng renewal ng contract.

Okey naman daw silang naghiwalay at walang nangyaring hindi maganda kaya wala na siya sa poder ni Lito. Katunayan, may show si Blanktape sa bar ni Lito na mangyayari next month.

Sayang nga lang at hindi namin naitanong kay Blanktape kung binayaran ba siya dahil sa ginamit ang kanta niyang My Bebe Love na title ng movie na pinagbibidahan nina Vic Sotto, Ai Ai delas Alas at kasama rin ang phenomenal love team nina Alden Richards at Maine Mendoza.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

ADVERTISING