Black gown ni Kris Aquino, pinuna – Cristy Fermin

ADVERTISING

Black gown ni Kris Aquino, pinuna - Cristy Fermin

Black gown ni Kris Aquino, pinuna - Cristy FerminAYON SA GRUPO ng mga kababayan nating nagpoprodyus ng mga shows sa ibang bansa, kapag hindi nagbago sa kanyang mga kapritso ang isang taong direktang kunektado sa isang magaling pa namang male performer, siguradong madadala na sa kanila ang mga prodyuser.

ADVERTISING

Malaki na kasi ang talent fee ng performer ay kung anu-ano pa ang hinihingi ng taong nagmamaniobra sa kanyang career sa mga namumuhunan.

Ayon sa isang nakausap namin, “Grabe siyang mag-demand, nakakaawa talaga ang producer ng show. Sa planning stage pa lang, sasakit na ang ulo ng prodyuser dahil sa dami ng requirements ng taong ‘yun na close na close sa singer.

“Kapag kinuha mo siya, kasama ang family niya. Sa hotel pa lang, dalawang suites na ang hinihingi niya. ‘Yung isa, para sa mga kasama nila sa entourage, ‘yung isa naman, sa kanilang pamilya.

ADVERTISING
[ad#post-ad-box]

“Magkano ang airfare ngayon? Tapos, ‘sangkatutak pa ang isinasama nila. Meron nang coordinator sa mismong production, kailangan pa nilang magdala ng sarili nila, dahil ayaw raw nilang pumalpak ang sequence ng mga songs ni ____(pangalan ng male performer).

“Heto pa. sa menu, four pages ang ibinibigay niya, listahan ‘yun ng mga pagkain ng singer. Hindi kasi siya puwede sa kung ano lang, meron silang requirements, dahil makasasama raw sa singer ang ibang food.

“Itong huling show niya, kasubuan na lang ‘yun, nakapag-downpayment kasi agad ang producer sa kanya, kaya itinuloy na lang ang show,” simulang kuwento ng aming impormante.

Kapag ang male singer ang bida sa show, siguradong hirap ang prodyuser na makabawi sa kanyang puhunan, napakarami nga kasing hinihingi ng humahawak sa kanyang career.

“’Yung ambulansiya, okey lang ‘yun, baka nga naman kasi may mangyari sa performer, pero ‘yung iba pang luho, huwag naman sanang ganu’n ang ginagawa nila dahil hindi naman ganu’n ka kadaling mag-produce ng mga shows sa ibang bansa,” sabi pa rin ng aming source.

AYAW PANIWALAAN NG mga nakakausap namin ang katwirang hindi pa kasi nagbababang-luksa ang pamilya Aquino sa pagkamatay ni Tita Cory, kaya nakaitim si Kris Aquino nu’ng nakaraang kasal nina Senador Mar Roxas at Korina Sanchez.

“Hello! Teka lang. E, naka-yellow nga siya nu’ng Sunday, ‘di ba? Hindi ko bibilhin ang katwiran na they are still in mourning, kaya naka-black dress siya nu’ng kasal nina Mar at Korina.

“Kundi ko siya nakitang nagsuot ng ibang color, baka maniwala pa ako, kaso, nagsusuot na siya ng ibang kulay. Of course, other than black, yellow lang ang isinusuot niya, dahil ‘yun ang political color ng kapatid niya!” inis na komento ng isang kausap namin.

May dahilan ang kuwento, ayon sa aming mga kausap ay gusto lang kasing mapaiba ni Kris, kaya nag-itim siya nu’ng kasal nina Senador Mar at Korina.

“She’s always like that naman, ‘di ba? She wants to be unique, she always wants to get the attention of other people by being different from the others, ‘yun siya talaga.

“Imagine naman, wedding ‘yun, nakakahiyang magsuot ng black, pero talagang nakaitim siya. Ano ‘yun, ipinagluluksa niya ang pagpapakasal ng dalawa?” hirit pa uli ng aming mga kausap.

Isa lang ang ibig sabihin nu’n, sikat kasi si Kris Aquino  kaya kahit ano pang kulay ang suot niyang damit ay papansinin at papansinin pa rin siya.

Kakambal na ni Kris Aquino ang kontrobersiya na gustung-gusto naman niya, pramis!

Cristy Per Minute
by Cristy Fermin

ADVERTISING