BJ Forbes, naiilang sa kasikatan ni Ryzza Mae Dizon

ADVERTISING

BJ Forbes, naiilang sa kasikatan ni Ryzza Mae Dizon

Ryza-Mae-Dizon-BJ-ForbesISA SA naiilang sa kasikatan ni Ryzza Mae Dizon ay ang dating child star na si BJ Forbes na ngayon ay nasa cast ng One of The Boys kasama nina Joey de Leon, Eula Caballero, atbp. na napapanood every Saturday at 8:15 pm sa TV5.

May mga sitwasyon daw kasi na ikinukumpara raw siya kay Ryzza Mae. Naunang naging mainstay kasi ng Eat Bulaga si BJ nang sumali siya sa That’s My Boy noong 2004.

Naging household name din ang screen name niyang Tolits sa isang laundry soap TV commercial ad nila ni Vic Sotto. Nakagawa rin ng maraming TV show sa GMA 7 si BJ at nakasama sa pelikula ni Bossing Vic.

Ngayon teenager na si BJ, naging madalang na ang paglabas niya sa TV. Pero visible naman daw siya sa mga stage play.

ADVERTISING

Ayon kay BJ, sa mga pinupuntahan niya lagi raw tinatanong sa kanya kung bakit wala na siya sa Eat Bulaga at ikinukumpara raw siya kay Ryzza Mae na mas madalas makita sa TV kaysa sa kanya.

Inaming naiilang siya sa mga tanong samantalang alam naman daw ng mga nagtatanong ang sagot na si Ryzza Mae ang sikat at kinagigiliwan ngayon. Siya naman ay nagbibinata na kaya may iba na siyang career path.

Pero happy naman si BJ sa tinatamasang kasikatan ngayon ni Ryzza Mae dahil nakaka-relate siya sa pagiging sikat ng bagets.

Sixteen years old na ngayon si BJ at dalangin na madagdagan pa ang height niya habang nadadagdagan ang kanyang edad.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

ADVERTISING