Bistek, umatras na kay Kris Aquino

ADVERTISING

Bistek, umatras na kay Kris Aquino

Herbert-BautistaOMG! AS in Oh My Gosh! Parang hindi ako. Natatawa na lang kami ng isang kaibigan na sinusubaybayan ang bawat utot ni Kris Aquino. Sabi ko sa kanya, para na akong napapagod sa kabubuntot sa bawat kembot niya.

Mula noong nakaraang kaarawan niya last February 14 na sa statement niya that she was dumped by a “ghost” suitor (na na never namang nakilala o naaninag ng pubiko ang aparisyon), that the guy do not want her anymore, hanggang sa eksenang pa-cute ni Tetay sa dating asawa na si James Yap, hanggang itong huli na item naman sila ni Quezon City Mayor Herbert Bautista, napagod ako sa kasusunod sa mga Instgram postings and revelations ni Kris.

Nang hindi matagalan ang bashing ng social media observers at sawsawero sa pagkaka-link ng pangalan niya kay Kris, si Mayor Bistek na rin ang sumuko. Na umabot sa punto na sa kagustuhan na may mensahe na gustong itawid sa kanyang followers at para na rin sa sarili, bigla-bigla ay nagpagupit si Kris ng napaka-ikli (first ever in her life) na in fairness ay maganda. Lunes pagkatapos ng Linggo ng Pagkabuhay, tumambad ang kanyang new look sa show nila ni Kuya Boy Abunda na gabi-gabi na lang tayong ginugulat ni Kris sa kanyang mga kuwento.

With her new short haircut sa kanyang IG, pasakalye niya na “friends” na lang sila ni Mayor Bistek. Umatras na si Mayor dahil hindi nga nito natagalan ang pamba-bash sa kanya lalo pa’t may pamilya siya na iniwanan in favor of Kris (na ngayon ay umiskiyerda patungong US noong Biyernes Santo si Tates Gana kasama ang dalawang anak nila na sina Athena at Harvey na magbabalik come June 1), na pinagpistahan ng publiko sa sari-saring opinion nila ng pagpapagupit ni Tetay at sa update sa “relasyon” nila ni Mayor Bistek.

ADVERTISING

Sa ganang akin, nawindang ang tahimik na buhay ni Mayor Herbert simula nang ma-link siya kay Kris. Oo nga’t naging hot topic siya at kahit sinong lalaki na ma-link, ma-involve kay Tetay, asahan mong magiging hot item (na one reason kung bakit siguro takot din ang mga lalaki na gusto siya ligawan dahil maiiskandalo ang buhay nila once mapabalita sila at madikit ang pangalan kay Kris).

Martes, sa taping ng Kris TV sa Intramuros, nahilo si Tetay sa sobrang init ng panahon. Itinakbo siya sa hospital na bago bigyan ng suwero ay tinanong pa ng doctor kung “buntis” siya as a precaution bago siya turukan at baka nga maging masama sa kanyang kalagayan kung sakali. Siya mismo ang nag-kuwento sa show nila ni Kuya Boy tungkol sa “buntis” issue na tama nga lang naman para alam ng doctor kung ano ang dapat niyang gawin.

Kinagabihan pagkatapos niyang ikuwento ang kanyang pagkahilo during her taping, paguwi niya sa kanyang haybols, nadatnan na lang niya ang kahon-kahon na energy drink na padala ni HB ( as in Herbert Bautista) with a caption sa picture na: “Thank You HB! (Sorry I broke my rule about not mentioning him in my IG account.”

Say ni Tetay sa update niya  tungkol sa kanila ni Mayor: “We’re not a ‘couple’ but we are the BEST OF FRIENDS. And in this uncertain world, we’re sure to be FRIENDS FOR LIFE. That’s actually what we started as, it’s where we are most comfortable being, and for whatever tomorrow may still bring, true & lasting friendship is always the best foundation… May I quote my favorite song? Thanks to you for teaching me how to live, putting things in perspective. Teaching me how to give, and how to take, no mistake…’ I grew up a lot this 2014 & he had a big role in what I am today.”

Sabi naman ng isang malapit na kakilala ni Daniel Matsunaga (onced linked kay Kris): “Mabuti na lang at nailihis ang kuwento at na-focus na kay Mayor. Kawawa naman kasi yong binata at napagbibintangan na user.”

Ewan ko kung ano ang kabuntot ng mga pasabog ni Tetay na ikagugulantang ng media at ng netizens.

Basta ako, bilib kay Kris. Keri niyang i-shuffle ang kaliwa’t kanang mga kuwento, kembot at arya ng kanyang buhay with ease na ang mata ng publiko ay hindi  siya pakakawalan at pagsasawaan.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING