Bistek, matagal nang hiwalay sa karelasyon

ADVERTISING

Bistek, matagal nang hiwalay sa karelasyon

Herbert-BautistaABANGAN N’YO sa Linggo ang report namin sa relasyong Mayor Herbert Bautista at Kris Aquino.

Sinikap ng Startalk na makausap ang ilang babaeng nakarelasyon ni Herbert at may mga rebelasyon silang ibinunyag.

Ayoko munang pangunahan ang Startalk dahil binubuo pa lang nila, pero merong isang babaeng nakarelasyon ng QC Mayor na nagsalitang matagal na raw hiwalay sina Herbert at Tates Gana kaya puwedeng-puwede raw itong makipagrelasyon o makipag-date sa ibang babae, kay Kris Aquino man ito o hindi.

Ayaw lang magpabanggit ng pangalan ang babaeng ito, pero kilala naman daw siya sa showbiz kaya hindi na kailangan.

ADVERTISING

Sinabi lang niyang karapatan naman daw ni Herbert na makipagrelasyon sa iba, kaya sana huwag naman daw gawing malaking isyu na parang iniwan ang babaeng huling nakarelasyon nito.

Kahit daw nga anak ni Tates ay matagal na raw alam ang tunay na kalagayan ng kanilang mga magulang kaya kung gusto man daw ma-in love ni Herbert sa ibang babae, wala itong problema.

Kaya lang parang huli na dahil nagdeklara na si Kris na magkaibigan lang daw talaga sila ni Herbert.

Sabi ni Kris sa kanyang Instagram account, bestfriends lang daw talaga sila ni Herbert at naniniwala raw siyang maging “friends for life” na silang dalawa.

Binanggit n’ya ‘yan sa Instagram account niya nu’ng nagpasalamat siya kay Herbert sa mga Gatorade na ipinadala sa kanya pagkatapos siyang isinugod sa hospital dahil sa na-dehydrate ito sa taping ng Kris TV.

Nu’ng isang gabi sa Aquino and Abunda Tonight ay pahapyaw na tinanong siya ni Boy Abunda tungkol dito, hindi siya nagsalita dahil nanonood daw si Herbert. “Friends” lang daw talaga sila, kaya ayaw na raw niyang magsalita. Pero binanggit din niyang pinadalhan daw siya ng fruits.

O, ‘di ba? Bongga talaga si Kris gumawa ng isyu. Kaya lagi siyang sinusubaybayan kung ano ang susunod na mangyayari sa buhay niya, lalo na sa lovelife niya.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING