Bistek, kinumpronta ang isang reporter

ADVERTISING

Bistek, kinumpronta ang isang reporter

Herbert-BautistaHABANG NAGHIHINTAY ang press sa pagdating ni Marian sa presscon ng bago niyang dance show, nakatabi ko sa mesa ang reporter na naka-interview kay Athena, ang dalagang anak ni Quezon City Herbert Bautista na pinasok na rin ang showbiz.

ADVERTISING

May lumabas kasing balita na nagsalita raw si Athena against Kris Aquino. At ang suspect ni Mayor na nagsulat at naglabas ng balita ay si reporter na nag-interview kay Athena.

Nag-ring ang cellphone ng reporter at nagulat ito dahil si Mayor Herbert ang tumawag. Nagtanong kung ito raw ba ang nagsulat na may sinabi raw na hindi maganda si Athena against Kris Aquino?

Natural na super deny ang reporter dahil wala naman daw siyang natatandaang may sinabi na hindi maganda si Athena laban kay Kris.

ADVERTISING

“Wala naman akong natatandaang sinabi sa interview ko kay Athena na may sinabi itong hindi maganda or against Kris. Katunayan, napakaganda nga ng interview ko sa kanya.

“In fact, matutuwa pa nga at ikatataba ng puso ni Kris ang naging interview ko kay Athena. Wala akong natatandaang may sinabi ito na hindi maganda about Kris.”

Nangako na lang si reporter na hindi na lang isusulat ang interview nito kay Athena, na siya namang ipinagpasalamat ni Mayor Herbert sa nasabing reporter.

Gusto lang ni Bistek na protektahan ang anak sa mga isyu na hindi naman nga naman ito dapat isangkot.

Well, dapat din sigurong ihanda ni Athena ang sarili sa mga intrigang darating sa kanya dahil pinasok na rin nito ang magulong daigdig ng showbiz.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

ADVERTISING