Birthday wish ni Ejay Falcon: Makabangon ang mga taong apektado ng pandemya at trahedya

Leo Bukas

HINDI nagkaroon ng kahit anong celebration si Ejay Falcon para sa kanyang 31st years old dahil nasa lock-in taping ang actor para sa Paano Ang Pasko series ng TV5 na nagsimula na ngayong November 23.

Ano ba ang kanyang birthday wish ngayon?

Birthday wish ni Ejay Falcon: Makabangon ang mga taong apektado ng pandemya at trahedya
EJAY FALCON

“Ang birthday wish ko sana matapos na itong pandemic, mga bagyo, trahedya at yung mga nasalanta ay makabangon na po ulit,” pahayag niya. Para naman sa mga mahal ko sa buhay, sana manatili silang malusog at walang karamdaman,” dagdag niya.

Ano ba ang regalo sa kanya ng girlfriend na si Jana Roxas?

Tugon ni Ejay, “Dito pa po ako sa lock in taping at medyo matagal pa ako dito. Pero pagkita namin, sabihin ko po sa ‘yo kung ano yung birthday gift niya.

“Pero kahit naman wala siyang ihandang regalo, basta huwag lang siyang magbago at yung naging kami  yon na yung pinaka best gift niya sa akin.”

Sa Instagram account ay nag-post din si Jana ng sweet birthday messages para sa kasintahang si Ejay. Tinawag din  niyang bestfriend ang karelasyon.

“Happy Happy Birthday to my bestfriend. Wishing you all the best baby, lagi kong sinasabi sayo andito lang ako para mahalin at suportahan ka at sabay natin tutuparin lahat nang mga pangarap natin.

“You deserve all the beautiful things in life baby dahil napakabuti mong tao. Thank you for everything. Mahal na mahal kita. Happy Birthday @ejaythefalcon.”

Birthday wish ni Ejay Falcon: Makabangon ang mga taong apektado ng pandemya at trahedya
Jana Roxas and Ejay Falcon

Samantala, after ng ginagawang series ni Ejay ay sisimulan naman niya ang period movie na Balangiga

“Hinihintay na po nila ako ngayon dun, nakalock in kasi kami now. Pero inaayos na yung schedule ko para sa movie,” aniya.

Bilang paghahanda sa pagbibdahang pelikula ay katakut-takot na pagre-research ang ginagawa ni Ejay. Nanonood din siya ng mga pelikulang makakatulong sa gagawing project at nagbabasa tungkol nangyari sa Balangiga noong 1901.