Birthday message ni Sylvia Sanchez sa anak na si Ria Atayde: “Stay humble, pero ‘wag kang magpapaapi”

ADVERTISING

Birthday message ni Sylvia Sanchez sa anak na si Ria Atayde: "Stay humble, pero 'wag kang magpapaapi"

Birthday message ni Sylvia Sanchez sa anak na si Ria Atayde: "Stay humble, pero 'wag kang magpapaapi"Kaarawan ngayong araw ng baguhan na si Ria Atayde na mas kilala sa pangalan o tawag na “Titser Hope” sa morning pampa-good vibes na seryeng “Ningning” ng Kapamilya Network, kung saan dito nailunsad ang showbiz career ng dalagang anak ng kaibigang Sylvia Sanchez.

Pangalawang anak si Sofia Atayde (real name ni Ria Atayde) nina Papa Art at Ibyang. Panganay si Arjo, pangatlo si Gela at ang bunso ay si Xavi.

Tulad sa deskripsyon ng ina sa dalaga na ang tawag ni Ibyang (tawag namin sa aktres) kay Ria ay Potpot (‘di ko pa nauurirat kay Ibyang kung bakit Potpot ang tawag niya sa anak), sa kanyang short message sa anak sa kanyang Instagram account na @sylviasanchez_a: “Oo na, payag na ako na mas maganda ka kesa sa akin, pero yan ay dahil mana ka sa akin @riaatayde ha ha ha…Wag mo hayaan na baguhin ‘to ng kahit na sino at ng kahit na anong tagumpay ang darating sa buhay mo. Stay humble pero wag ka magpapaapi. Salamat, dahil ikaw lagi ang nagpapalakas sa akin sa tuwing may problema ako at sa pagiging English tutor ko. Mamaya gagayahin ko ang pose mo. I love you my potpot at maligayang kaarawan sa yo.”

Nag-post din ang dalaga ng kanyang pasasalamat sa mensahe ng ina. “I love you so much. I’ll always be here for you, that’s always going to be my choice. Thank you for everything. And congratulations on 24 years of having a daughter. You have done well,” maikling message ng dalaga sa IG.

ADVERTISING

Kagabi, sa birthday salubong for Ria, nandun kami ni Fernan de Guzman aka Ms. F, kung saan earlier that evening ay nag-treat si Ria sa mga kaibigan niya sa isang sunset cruise sa Manila Bay at nakasama nga rito ang anak nina Gary Valenciano at Angeli Pangilinan na si Keana; si Joseph Luis Manuel na anak na binata nina Sen. Jinggoy Estrada at Precy Vitug, at mga personal friends ng dalaga.

Happy Birthday, Ria!

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING