“BIRDIE” NI DIEGO LOYZAGA, NASIPAT SA IG LIVE

ADVERTISING

“BIRDIE” NI DIEGO LOYZAGA, NASIPAT SA IG LIVE

“BIRDIE” NI DIEGO LOYZAGA, NASIPAT SA IG LIVE
Diego Loyzaga

BIG MAC kumbaga sa burger. Footlong at jumbo kung ikukumpara sa hotdog at super biggie soda kung softdrinks.

Ang tinutukoy ko ay ang reaksyon ng mga nakasipat ng “birdie” ni Diego Loyzaga na naip-post niya sa kanyang IG Live by accident last January 4.

Ito ang hot topic during the grand presscon ng pelikulang Mama’s Girl ng Regal Entertainment na pinagbibidahan nina Sylvia Sanchez at Sofia Andres kung saan ang binata ang love interest naman ng dalaga sa pelikulang tatagos sa mga puso natin sa darating na January 17.

Very open si Diego na siya ‘yun. Hindi siya nag-deny.

ADVERTISING

“It was a mistake,” kuwento niya sa grupo ng mga reporters na nakapalibot sa kanya during the event last Saturday.

Dapat daw ay ise-save niya yong video na ‘yun for his personal consumption pero namali siya ng pindot ng key sa kanyang mobile phone na naging reason para sa mga addict sa social media na babad sa IG, Twitter at FB ay makita at makauna bago niya ito nadelete.

“BIRDIE” NI DIEGO LOYZAGA, NASIPAT SA IG LIVE
Diego Loyzaga and Sofia Andres

Kuwento niya: ”Kung panonorin niyo po ‘yung mga stories ko on my whole trip, I have it saved there, on the highlights ng buong Europe trip. It shows kung paano nangyari yun,” sabi ng binata.

Pagkukuwento pa ni Diego tungkol sa ”aksidente”: I don’t know why naging problema o issue ‘to, kasi tinanggal ko siya kaagad. Pero talagang accident lang na na-post ko. Na-save ko siya and I didn’t know na nilagay ko siya sa My Story, na hindi naman talaga dapat na-post.”

Ang naturang video na nasipat ang “birdie” ng binata ay sa recent vacay niya sa Amsterdam kung saan he ran naked sa gitna ng snow na para katuwaan lang.

Sa pelikula kung saan he plays the role of Nico, bukod kay Sylvia at Sofia, ay makakasama din niya sina Jameson Blake, Arlene Muchlach, Allan Paule, Alora Sasam, Yana Asistio. Heaven Peralejo at Karen Reyes.

 

Reyted K
By RK Villacorta

ADVERTISING