Binuking kasi na may dyowa na ang Thai heartthrob Erich Gonzales at Mario Maurer, nawalan agad ng magic!

ADVERTISING

Binuking kasi na may dyowa na ang Thai heartthrob Erich Gonzales at Mario Maurer, nawalan agad ng magic!

Binuking kasi na may dyowa na ang Thai heartthrob Erich Gonzales at Mario Maurer, nawalan agad ng magic! MAGTATAPOS NA ANG 100 Days To Heaven, patuloy na minamahal ng mga tao si Budoy, si Kim Chiu naman ay sobrang haba ng hair sa dami ng guys na umaaligid sa kanya, at nahanap na ba ang nawawalang si Elisa?

Hay, naku, wala lahat ‘yan. May bagong kinababaliwang teleserye ng totoong buhay ang mga tao ngayon. Isang teleserye na ang dami-daming titles, pero iisa lang ang itinatakbo ng kuwento.

Ang mga pamagat: “Nasaan Ka, Ramona?” “Magkakapatid,” “Bilanggong Heartthrob.”

 

ADVERTISING

PROMISE, GUSTO NAMING maawa sa pinagdaraanan nga-yon ni Genelyn at ng kanyang mga anak. Pero araw-araw, nagsasanga-sanga ang mga kuwento. Imbes na ma-focus lang ‘yung simpatiya kay Ramgen, parang iba ang gustong malaman ng mga tao ngayon.

 

Binuking kasi na may dyowa na ang Thai heartthrob Erich Gonzales at Mario Maurer, nawalan agad ng magic!

Ang gusto nilang malaman ay kung sino talaga ang mastermind ng pagpaslang kay Ramgen?

Sangkot ang magkapatid na Mara at RJ. Si Mara, tumakas na patungong Turkey. Si RJ, nakapiit sa Parañaque City Jail. Sila ang itinuturong mastermind.

Habang si Sen. Bong na una pa lang ay nandiyan na para tulungan silang mag-iina, eh napasama pa ang genuine niyang pagtulong sa mag-iina. Binigyan pa ng ibang kahulugan.

Kaya me mga friends kami, after mapanood si Genelyn na nagsasalita sa TV against Bong Revilla, isa lang ang sinabi, “Me kundisyon ba si Genelyn?”

Sana nga, wala.

Pero according to Lyn Madrigal, ang apo niyang si Ramona Bautista ay babalik sa Pilipinas, “In God’s time.”

Gamit na gamit na si Lord. Sana, kung ga-gamitin man si God, sa kabutihan at pag-asa. Hindi para lang makapang-echos.

 

GAGAWA NG MOVIE si Erich Gonzales at ang Thai heartthrob na si Mario Maurer under Star Cinema. Pero sa panayam ni Erich sa The Buzz nu’ng Linggo, kahit pa ipinilit ni Charlene Gonzales, naisiwalat tuloy ni Erich na meron silang common friend ni Mario.

According to their common friend, merong Thai girlfriend si Mario, kaya imposible siyang ma-in love dito. Suddenly, It’s Magic pa naman ang title ng movie nila. Nawala tuloy ang “magic”.

 

UNKABOGABLE NA TALAGA si Vice Ganda, dahil siya na ang First Filipino na naka-reach ng 3.6 million likes sa kanyang fanpage, ang kanyang pelikulang Praybeyt Benjamin ang pinakaunang pelikulang nag-reach ng P300M.

Kung naka-P280M ang No Other Woman,  ang forecast ay baka umabot sa P350-P400M ang total gross ng Praybeyt Benjamin, kaya si Vice ay nape-pressure na.

“Juice ko, sana naman, sa susunod na movie ko, ‘wag namang mag-expect ang mga tao na kailangan kong kabugin ang ‘Praybeyt Benjamin,’ dahil juice ko, sa hirap ng buhay ngayon, masaya na po akong maka-P200M lang, pero sobra-sobra pa ‘yung ibinigay sa akin.”

Kaya naman me show si Vice sa Metro Bar (West Avenue) sa November 18. Ni singkong duling ay wala siyang kukunin, dahil ang kikitain niya ay pag-hahatian ng ChildHaus Foundation at ng mga pasyente ng breast cancer sa Philippine Foundation For Breast Care, Inc.

“Sa sobrang blessed ko naman, dapat lang na i-share ko ito sa mga nangangaila-

ngan.”

Oh My G!
by Ogie Diaz

ADVERTISING