Binibining Pilipinas International Mariel de Leon napiling leading lady ni Coco sa ‘Ang Panday’

ADVERTISING

Binibining Pilipinas International Mariel de Leon napiling leading lady ni Coco sa ‘Ang Panday’

Binibining Pilipinas International Mariel de Leon napiling leading lady ni Coco sa ‘Ang Panday’
Mariel de Leon

ANG ANAK nina Christopher de Leon at Sandy Andolong and newly-crowned 2017 Binibining Pilipinas International na si Mariel de Leon ang leading lady ni Coco Martin sa bagong version ng Ang Panday.

Ginanap ang pormal na announcement tungkol dito sa Fernwood Gardens few hours ago (July 4) kasabay din ng pag-a-announce sa iba pang cast ng kasama sa pelikulang ididirek ni Coco at ipapalabas sa 2017 Metro Manila Film Festival.

Present si Mariel sa announcement at nakunan pa sila ng ilang press na magkasama.

Hindi naman namin nakuha ang reaksyon ni Coco kung bakit si Mariel ang napili niyang leading lady. But I’m sure, may nakita si Coco na special kay Mariel kaya niya ito ginawang leading lady.

ADVERTISING

On Mariel’s part, inamin niya na ngayon pa lang ay nakakaramdam na siya ng pressure working with Coco.

Binibining Pilipinas International Mariel de Leon napiling leading lady ni Coco sa ‘Ang Panday’
Mariel de Leon and Coco Martin

“Napakagaling niya at alam ko na matutulungan niya ako sa pag-arte. Pressured talaga pero I am challenged,” sey pa ni Mariel.        

Meanwhile,  Ang Panday naman ay kasama sa first four films na napili ng Metro Manila Film Festival Selection Committee at opisyal na magiging entry sa MMFF sa December 25.

 

 

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING