Binibining Pilipinas 2011, Kinoronahan na!

ADVERTISING

Binibining Pilipinas 2011, Kinoronahan na!

ADVERTISING

NATAPOS NA RIN ang paghihintay ng mga mahadera dahil sa wakas, pinutungan na ng korona ang isang masuwerteng dilag at itinanghal na Bb. Pilipinas 2011 sa Araneta Coliseum noong April 10. Kinilala na bilang Bb. Pilipinas 2011 Winner si Bb. Pilipinas-Universe – No. 26 Shamcey Supsup kasama rin ang iba pang nanalo gaya nina Bb. Pilipinas-International – No. 33 Dianne Necio; Bb. Pilipinas-Tourism – No. 25

Isabella Manjon; 1st runner-up – No. 27 Janine Tugonon at 2nd runnerup – No. 34 Mary Jean Lastimosa.

Tumayo namang host sa gabing ‘yon sina KC Concepcion at Derek Ramsay with former title holders

ADVERTISING

Precious Lara Quigaman (2005 Miss International) at Miriam Quiambao (1999 Miss Universe 1st runner-up). Present sa nabanggit na koronasyon sina Venus Raj, Czarina Gatbonton at Krista Kleiner. Nagbigay rin ng kani-kanilang special performances ang heartthrobs na sina Papa Sam Milby at Papa Matteo Guidicelli pati ang mga pretty girls like Karylle, Sitti Navarro, Princess Velasco at Marie Digby. Congratulations sa lahat ng nagwagi buhat sa amin dito sa Pinoy Parazzi. Hindi rin nagpatalo ang

aming kamerang-gala sa pagpapakita sa inyo kung sinu-sino ang nagging highlights sa ‘di malilimutang gabi ng kasiyahan at kagandahan. Halina’t tunghayan natin!

Photos by Mark Atienza

Ni MK Caguingin

Premiere Shots
Pinoy Parazzi News Service

ADVERTISING