Binata ni Ai-Ai delas Alas, artista na rin

ADVERTISING

Binata ni Ai-Ai delas Alas, artista na rin

Ai-Ai-delas-Alas-Sancho-delas-AlasARTISTA NA ang panganay na anak ng Comedy Queen na si Sancho. Naalala namin noon na naunsyami ang panimula ng pagpaso sa showbiz ng binatang anak ni Ai Ai delas Alas nang masilat ito at hindi napabilang sa current housemate sa Bahay ni Kuya sa Pinoy Big Brother All In.

Ngayon, sa pelikulang pang-Cinemalaya 2014 ng komedyante, kasama niya ang kanyang anak. Panigurado ni Ms. Ai-Ai na mas magaling na aktor sa drama si Sancho kaysa sa kanya.

“Pero ang comedy balwarte ko. Ewan ko kung keri niya,” pahayag ng komedyante.

Sa ilang pagkakataon, sa totoo lang, hindi ko yata alam o nabasa man lang kung ano ang magiging screen name ni Sancho. Palaging nire-refer si Sancho as Ai-Ai’s son.

ADVERTISING

Sa pagkakaalam ko, ang father ni Sancho ay isang magaling na stage actor noon ng Tanghalang Pilipino (ng CCP) na minsan na naming na-meet sa Music Box during Ai-Ai’s early years sa showbiz bilang isang stand-up comedienne, kung saan doon namin siya nakilala na akala nga namin noong una ay isa siyang baliw na pinaglalaruan nina Sonny Pinca at Arnell Ignacio on stage during the early 90’s kung hindi kami nagkakamali.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING