Binata’t dalaga na ang mga anak: aktres na hiwalay na sa asawa, ‘nagpapatikim’ na sa mga boys?!

ADVERTISING

TRUE BA itong naririnig namin na kung kelan mga dalaga’t binata na ang anak ng isang aktres ay ngayon ito “naghahabol”?

Naghahabol ng ano?

Ayon sa aming nakausap, ngayon ito gumigimik, dahil nu’ng teenager nga raw si Aktres ay nagpaka-nanay ito sa sunud-sunod na anak, kaya ngayong malalaki na ang mga supling, eh, labas nang labas at inom nang inom ang lola n’yo.

Anyway, sana, hindi naman totoo ‘yung sumunod naming narinig na porke hiwalay na ito sa ama ng kanyang mga anak ay nagiging lapitin siya sa mga boys at ilan na rin ang naringgan naming “natikman” ang alindog ng aktres.

Totoo ba ‘yon?

ADVERTISING

Sana, nababalutan lang ito ng tsismis at isa pa rin siyang malinis na ina.

(By Ogie Diaz)

ADVERTISING