Binabasa Na Nga, Mali-Mali Pa!

ADVERTISING

SINO RAW ITONG isang TV personality na instant sikat at ayan, nasa isang everyday live show, ang pinag-uusapan sa mismong studio nila.

Pa’no raw kasi, bukod sa mabagal nang magbasa sa teleprompter ay madalas pang mag-buckle at magkamali-mali ng mga words na binabasa.

ADVERTISING

Sabi nga namin sa aming kausap, normal lang ‘yon. Una, nobody’s perfect. Kahit sa amin noon sa Umagang Kay Ganda, nagkakanda buckle-buckle din kami.

“Pero ito, nakakalokah, mare. Iniiba niya ang words ng binabasa n’ya. Binabasa na lang, minamali pa ang basa, ‘kalokah!”

Oh, well…at this point, ayaw naming husgahan ang naturang instant TV personality.

ADVERTISING

Mas gusto naming isenyas ang aming daliri ng “peace” dahil mas gusto naming mangibabaw ang “peace, peace, peace!” with matching “sis boomba!”

(By Ogie Diaz)

ADVERTISING