Bimby Yap, pilit na ipina-partner ni Kris Aquino sa kapatid ni Daniel Padilla na si Carmela

Bimby-CarmelaON THE lighter side, kahit i-partner at tuksuhin ni Kris Aquino sa anak na si Bimby ang nakababatang kapatid ni Daniel na si Carmela, tila may protesta mula sa binata. Ayaw niya.

Pakiwari ng Teen King na may concert sa SM MOA Arena sa darating na Sabado ang ‘Most Wanted” ay masyado pang bata ang kapatid para i-partner at i-loveteam-loveteam sa anak nito. “Gusto ko saka na lang siya mag-artista. Mag-mature muna siya, tapos papasok siya sa showbiz,” paliwanag ni DJ.

“Mag-aral mula siya,” sabi ng binata na soon ay tatawagin na ring “Daniel Padilla, The Crooner” dahil sa istilo ng mga awitin na kanyang kakantahin sa Sabado.

This time, mga awitin na tipong Frank Sinatra, James Brown ang titirahin niya. Mga awitin na personal niyang gusto ang ipe-perform niya.

Kaya si Kris, sablay ang panunukso at pagpa-partner kay Carmela sa anak.

Reyted K
By RK VillaCorta

Previous articleKylie Padilla, kay Aljur Abrenica pa rin ang bagsak?
Next articleSolenn Heussaff, sasapakin ang kapatid na si Erwan Heussaff ‘pag sinaktan si Anne Curtis

No posts to display