Bimby, umiyak nang makitang naka-make-up si Kris Aquino

ADVERTISING

Bimby, umiyak nang makitang naka-make-up si Kris Aquino

BimbyYap-Kris-AquinoSobrang na-miss ni Bimby si Kris Aquino nang mawala ito nang limang araw dahil nag-shooting sa Palawan para sa pelikulang “All You Need is Pag-ibig”, entry movie sa Metro Manila Film Festival sa December.

Ipinost kasi ni Kris ang picture ni Bimby na umiiyak. Sa caption ng Queen of All Media at tinanghal na Best Celebrity Talk Show Host sa katatapos na 29th PMPC Star Award for TV, ito raw ang reaksyon ng anak na si Bimby nang makita siyang naka-make-up na naman at may shooting na naman.

“I was away shooting for 5 nights. This was Bimb’s reaction when he saw me being make-up because I’m still shooting tonight & I told him it’s going to be an all nighter.

“All other working moms I’m sure can identify w/ how hearthbreaking it is to be missed by our kids,” ang caption ni Kris.

ADVERTISING

Naka-relate ang sangkatutak na nanay na nakabasa sa post ni Kris, lalo na ang mga working moms.

Puspusan ang shooting ng “All You Need is Pag-ibig” ng Star Cinema, kung saan kasama rin niya sina Derek Ramsay, Xian Lim, Kim Chiu, Ian Veneracion, at Jodi. Sta Maria.

Ayon kay Kris, ang shooting niya sa Palawan nang 5 days ang pinakamatagal na nawalay siya sa dalawang anak.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

ADVERTISING