Bimby Aquino-Yap, pinagtataasan ng kilay sa nakuhang award

Bimby Aquino-Yap, pinagtataasan ng kilay sa nakuhang award

Bimby-Aquino-YapMARAMI ANG nagtaas ng kilay sa pagkapanalo ni James Yap, Jr. or Bimby bilang Best Child Performer sa katatapos na Star Awards for Movies. Naka-tie ni Bimby si Miggs Cuaderno para sa Asintado.

We have not seen their movies pero bakit tila ang daming kumekuwestiyon sa pagkapanalo ni Bimby? Obvious na obvious naman daw na mas magaling si Miggs kaya bakit daw kailangang i-tie pa ito kay Bimby.

Anyway, proud mama si Kris Aquino sa win ng anak niya. Post talaga siya nang post ng pictures sa kanyang Instagram.

Hindi siguro na-realize ni Kris na inisnab ng ng Star Awards ang movie niyang Feng Shui. Talak daw nang talak ang isang PMPC officer habang patungo sa isang event ng isang Marya Labada at binash nang husto si Kris at ang movie niya.

Anyway, maganda naman ang resulta ng Star Awards, walang masyadong kuwestiyonableng winners. Ang feeling lang namin ay mas magagaling pa ang mga nakalaban nina Gretchen Barretto at Sylvia Sanchez na nag-tie bilang Best Supporting Actress. Si Sylvia, parang bet palagi ng Star awards, ha. Parang palagi siyang nananalo at never pa yatang natalo. Bakit?

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas