Bimby Aquino Yap, ibinuking ang relasyon nina Erich Gonzales at Daniel Matsunaga

ADVERTISING

Bimby Aquino Yap, ibinuking ang relasyon nina Erich Gonzales at Daniel Matsunaga

Bimby-Aquino-YapMUKHANG SI Bimby na ang bagong Kris Aquino in terms of kataklesahan. Noong Monday kasi, sa show ni Kris kung saan merong segment si Bimby  ay biglang ibinuking ng bagets na nagmamahalan na sina Erich Gonzales and Brapanese actor-model Daniel Matsunaga.

“Tito Dan-Dan and Tita Erich are in love,” walang kagatol-gatol na sabi ni Bimby. Gulat na gulat si  Erich sa ibinulgar ni Bimby.

Actually, hindi na kailangan ang revelations ni Bimby dahil obvious naman na magdyowa na sina Daniel and Erich at ayaw pa lang nilang umamin dahil magmumukhang kontrabida si Daniel dahil kabe-break pa lang ng dalaga sa kanyang businessman-boyfriend. Ang collage photos nila together na kuha sa pagbabakasyon nila sa Hong Kong ay patunay na talagang magdyowa sila, ‘no!

Kaya nga hindi kami naniniwala sa tweet ni Daniel recently na, “Everything you guys might be reading is not true and some unfortunately fake information…sad that this is happening..God bless.”

ADVERTISING

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

ADVERTISING