Bimby Aquino, nakita na ang kanyang baby brother

ADVERTISING
Bimby Aquino and baby brother Michael James
Bimby Aquino and baby brother Michael James
Kris Aquino and son Bimby Aquino with Michela Cazzola
Kris Aquino and son Bimby Aquino with Michela Cazzola

Masayang ibinahagi ni Kris Aquino sa kanyang Instagram account ang pagkikita ng kanyang bunsong anak na si Bimby Aquino at ng kanyang baby brother na anak ni James Yap kay Michela Cazzola na naganap noong Sabado, October 22.

Sa caption ni Kris sa photo nina Bimby at Michael James, sinabi ni Kris na siya ang gumawa ng paraan para magkita ang dalawang bata.

Ani Kris, “I reached out to James & asked if it would be okay for Bimb to meet his baby brother. I prayed a lot for this day to arrive when we’d all be ready, because I just want what is best for my bunso.”

Labis din ang kanyang pasasalamat kina James at Michela sa pagtanggap sa kanila sa tahanan ng mga ito, kung saan ipinagluto pa sila ni Michela ng mami-meryenda.

“Thank you James & Mic for graciously welcoming us into your home. Mic went out of her way to prepare carbonara fro Bimb & to bake an Italian chocolate pie for our merienda,” dagdag pa ni Kris.

ADVERTISING

Sa isa pang posting ni Kris, kung saan magkakasama sila nina Bimby at Michela sa photo, ihinayag niya ang kanyang saloobin hinggil sa pagiging ina.

Sabi ng TV host-actress, “There’s no perfect formula for mothering except to do it with LOVE.

“I am grateful that today we gave our sons the opportunity to meet & hopefully have genuine bonding as brothers…

“Because in the end, the good men we are able to raise will be products of our guidance & unconditional love as mothers.”

Sa lumabas namang article sa PEP.ph, sinabi naman ni James na sobrang saya niya dahil nakita na ni Bimby ang baby brother nito.

Nagulat nga raw ang PBA star nang biglang nag-text sa kanya si Kris tungkol nga sa pagkikita ng dalawa niyang anak. Halos hindi nga raw siya makapaniwala.

Sinabi pa ng Rain Or Shine player na hindi na niya iniiisip at kinalimutan na kung anuman ang mga negatibong isyu sa kanila noon ni Kris.

By Parazzi Boy

ADVERTISING