Bimby Aquino, naaksidente sa eskuwelahan

ADVERTISING

 alt=

photo courtesy of Instagram: withlovekrisaquino
photo courtesy of Instagram: withlovekrisaquino

Ikinuwento ni Kris Aquino sa kanyang Instagram account na “withlovekrisaquino” na naaksidente sa eskuwelahan ang kanyang anak na si Bimby Aquino kaya’t isinugod ito sa The Medical City. Nadulas umano si Bimby at bumagok ang ulo sa sahig.

Sa kuwento ni Kris Aquino, nangyari ang insidente sa anak habang naglilinis ito sa kusina ng eskwelahan na bahagi ng pagsasanay sa mga estudyante na maging independent.

“Bimb was cleaning the kitchen in their school, part of the program to teach independence- the floor was just mopped & very wet & he fell & hit his head hard,” ayon kay Kris.

Nasa taping si Kris nang maganap ang insidente at malayo sa lugar, kaya nagpapasalamat siya sa kapatid na si Viel na siyang nag-asikaso sa anak sa ospital.

ADVERTISING

Isinailalim sa CT scan si Bimby at laking pasasalamat ni Kris dahil wala naman daw nakitang problema sa anak.

“CT Scan is thank God clear. I’m grateful that @mrandmrsfrancisco are also parents & understood when I left them in the farm where we were taping so that I can travel back to be w/ Bimb… Ang hirap mag trabahong malayo sa anak. I’m just blessed I can really depend on my siblings when I’m taping far from home, 1 quick call to Viel & she was on her way to be w/ Bimb,” ani Kris sa kanyang post

Danny’s Law
by Danilo Jaime Flores

ADVERTISING