Bilog ang Bola

ADVERTISING

Bilog ang Bola

TALAGA NAMANG bilog ang bola sa UAAP Season 78, lalo na para sa UP dahil buong UP crowd ay natuwa sa pangalawang panalo ng UP Maroons laban sa La Salle Green Archers. Mula sa kanilang pagkapanalo noong unang game sa UE Warriors, marami siguro sa atin ay inakala na sa next game ng host ng season na ito, ang UP, ay wala na tulad nu’ng mga nakaraang season. Pero ang mga palaisipan o mga nakasanayan ng iba na ganoon ay tila binasag ng UP Maroons at panalo for their 2nd winning streak laban sa DLSU Green Archers.

ADVERTISING

Kung ating matandaan noong mga nakaraang season, ang UP ay laging nasa baba ang ranking, na matapos ang round 1 at 2 ng UAAP Men’s Basketball ay tila nagra-rank lang na 1-13, ang masaklap pa ay 0-14. Pero sa larangan ng UAAP Cheerdance Competition naman ay bawing-bawi ang UP Pep Squad na sa ngayon ay may 8 championship title na kapantay ang UST Salinggawi Dance Troupe at noong huling season ng UAAP, season 77, ay nag-2nd runner up ang UST Salinggawi Dance troupe at 1st runner up ang UP Pep Squad at na-defend naman ng NU Bulldogs ang kanilang crown bilang Champion sa UAAP Cheerdance.

Ngayong season, ginulat ng UP ang karamihan dahil ang sunud-sunod na talo noong mga nakaraang season ay tila “Loosing Streak No More” para sa kanila ngayong season na ito ng UAAP. Hindi lang matatalino ang mga iskolar ng bayan, talagang ipinakita rin nila na kaya nilang makipagsabayan sa larangan ng palakasan.

Ngayong UAAP Season 78, bilog talaga ang bola para sa 2nd winning streak ng UP laban sa DLSU. Nu’ng 1st quarter ay tila ay magkalapit lang ang score ng UP at DLSU na may score na 16-14 at nu’ng 2nd quarter naman ay lumaki na ang lamang ng UP Maroons kontra La Salle Green Archers sa score na 41-28 na may 13 na kalamangan ang UP. Nu’ng 3rd quarter ay nananatiling lamang ang UP sa score na 54-42 at nang nagtapos na ang 4th quarter, nagwagi ang UP Maroons sa kanilang 2nd game kontra DLSU sa final score na 71-66.

ADVERTISING

Bago pa man magsimula ang UAAP Season 78, bawat teams ay mag-i-improve pa lalo para sa tumitindig at sumusulong na labanan sa larangan ng sports sa UAAP at isa na du’n ang UP, na ‘ika nga nila this season, kakaibang UP Maroons ang kanilang ipakikita at they believe and they will think big para sa Final 4, kung saan last season ay nasa last spot ang UP. Kaya ngayon ay ii-improve nila kasama ang bago nilang coach na si Coach Rensy Banjar.

Nagwagi rin ang UST laban sa FEU na may final score na 72-71. Sa ngayon ang standing ay nangunguna pa rin ang UP at UST na 2-0 at ang FEU at DLSU na 1-1. At sino kaya ang magkakaroon na ng unang panalo sa September 12, kung saan maglalaban-laban ang Adamson vs Ateneo at UE vs NU. Abangan pa ang maraming kapana-panabik na pangyayari sa UAAP Season 78.

Usapang Bagets
By Ralph Tulfo

ADVERTISING