Billy, nagwala sa presinto, arestado

ADVERTISING

Billy-CrawfordNAHAHARAP NGAYON sa kasong malicious mischief, resisting arrest, direct assault at disobedience to person in authority ang TV host, singer at aktor na si Billy Joe Crawford matapos nitong magwala sa presinto ng Taguig City, kahapon ng madaling-araw.

Dumating daw si Crawford, kasama ang isang babae sa presinto ng Taguig Police upang humingi ng tulong pasado alas-4:00 ng madaling-araw.

“Bigla siyang nagwawala riyan sa labas saka tinulak-tulak itong sliding door namin, naging dahilan para mabasag ‘yung salamin namin… Sinadya po ito… kasi binabangga niya ‘yung katawan [niya], may kasamang paa,” ani niInspector Jonathan Aride, hepe ng Precinct 7 sa kanto ng 26th Street at 7th Avenue sa Bonifacio Global City.

Dahil sa pagwawala ng aktor, tinangka umanong awatin ito ng dalawang babaeng desk officers ngunit hindi nagpaawat ang TV host.

Nakainom umano ang aktor at may personal problem. Bandang alas-9:00 ng umaga, dinala si Crawford sa Camp Crame para sa alcohol test.

ADVERTISING

(Jessica S. Gracilla)

 

 

ADVERTISING