Billy Crawford, takot na pagsawaan ang istilo ng pagho-host

ADVERTISING

Billy Crawford, takot na pagsawaan ang istilo ng pagho-host

Billy-CrawfordUMAASA ANG mahusay na host-singer na si Billy Crawford na hindi siya pagsawaan ng mga manonood, dahil almost everday from Monday to Sunday ay napanonood siya na nagho-host.
Mula Lunes hangang Sabado ng tanghali ay napanonood siya sa It’s Showtime at sa gabi naman ay sa pinakabago, exciting, at nakatutuwang game show ng Kapamilya Network, ang Celebrity Playtime, tuwing linggo naman ay nasa ASAP 20 ito, at kapag Sabado at Linggo ng gabi ay nasa Your Face Sounds Familiar naman ito.
Tsika nga ni Billy, “Sana hindi magsawa ang mga tao na panoorin ako, kasi almost everyday na akong napanonood.”
Ang pagiging mahusay na host daw ang dahilan kung bakit si Billy pa rin ang kinuhang host ng Celebrity Playtime, kaya naman nagpapasalamat si Billy sa panibagong project na ibinigay sa kanya ng ABS-CBN.
“Nagpapasalamat ako sa ABS-CBN management sa tiwalang ibinibigay nila sa akin, at sa pagbibigay sa akin ng magagandang proyekto,” pagtatapos ni Billy .

ADVERTISING

John’s Point
by John Fontanilla

ADVERTISING