Billy Crawford, si Coleen Garcia na ang gustong pakasalan

Billy-Crawford-Coleen-GarciaBY ACCIDENT nang makita namin si Billy Crawford at ang girlfiend niyang si Coleen Garcia sa 14th floor ng ELJ after during the solo presscon ni Coco Martin para sa kanyang nalalapit na aksyon-seryeng Ang Probinsiyano.

Mainit kasi ang usap-usapan tungkol sa love scene ni Coleen with Derek Ramsay sa pelikulang Ex With Benefits na palabas na sa darating na Wednesday.

Tinanong namin ang binata kung nag-usap na sila ni Coleen tungkol sa love scenes ng GF niya. Ayon kay Billy, inamin niya na noong una, medyo naapektuhan siya sa mga naglalabasan na mga bali-balita tungkol sa mga hot na eksena nina Coleen at Derek.

“She explained to me step by step kung ano ang ginawa nila ni Derek sa eksena. From the kiss sa forehead hanggang sa neck ni Coleen, she described it in detail,” panimula ni Billy.

Siyempre, hindi maiiwasan na maaapektuhan ang sino mang may karelasyon na ang kapareha mo ay mainit ang eksena ng halikan at masasabing “petting” na ang kapareha ng “love” mo ‘y iba at hindi ikaw. Kaplastikan naman na hindi ka magse-selos kahit papaano, sabihin mo nang trabaho lang dahil pareho kayong nasa showbiz. “At least I’m relieved. Alam ko na kung anong mga scenes ang aasahan ko when I watch the film sa premiere night nila,” kuwento ni Billy.

Sa totoo lang, sa stage ngayon ng relasyon nila si Billy a nag-iisip na ng tungkol sa kasal. “But not in the near future. But Coleen is the woman na gusto kong pakasalan. She’s the one na. I want her to be the last woman in my life that I will love when I decide to get married,” kuwento ng binata.

Reyted K
By RK VillaCorta

Previous articlePiolo Pascual, ‘di ikinahiya ang pagiging waiter at security guard noon
Next articlePast Issue Pinoy Parazzi Vol 8 Issue 106 August 31 – September 01, 2015

No posts to display