Billy Crawford relate na relate sa sinisigaw ni Kuya Germs na ‘walang tulugan’ dahil sa anak na si Amari

ADVERTISING
Leo Bukas

INAMIN ni Billy Crawford na mas lalong tumaas ang respeto niya sa kababaihan simula nung ma-witness niya ang pagbubuntis at panganganak ng asawang si Coleen Garcia sa kanilang panganay na si Amari na isang baby boy.

Ibinalita rin ni Billy na okey na ang physica health ng asawa at patuloy na itong lumalakas.

ADVERTISING

“Coleen and her physical health is super fine at lumalakas na nang lumalakas araw-araw. And she’s breastfeeding and yung proseso is hindi biro talaga,” lahad ng singer-actor-host.

Billy Crawford relate na relate sa sinisigaw ni Kuya Germs na ‘walang tulugan’ dahil sa anak na si Amari
Billy Crawford with son Amari

Patuloy ni Billy, “It’s something na… yung respeto ko una sa lahat – sa lahat ng mga babae ay tumaas. Ganun din sa asawa ko, mas mahigit na,  kasi she really sacrifice everything to have a child so grabe. Ibang klase!”

Natutuwa namang ibinahagi ni Billy na tila nagmana sa kanya si Amari.

ADVERTISING

“Itong anak ko ay mana sa akin, ang taba. Ang laki-laki, I think he’s almost 10 pounds right now,” sambit pa niya.

Madalas na rin daw siyang walang tulog ngayon dahil sa pag-aalaga ng bata.

“It’s completely different kasi ngayon tinupad ko na ang pangarap ni Kuya Germs na  ‘walang tulugan.’ So, dire-diretso na ako walang tulog.

“But apart from that, it’s a blessing. I go to work thinking that I’m working for my son. I’m gonna come back home,” masaya niyang pahayag.

“Pero alam mo ‘yun, it’s worth all the blood sweat and tears you put in your job, sobrang worth it at the end of the day pag nakita mong kumakain ang anak mo, umiiyak, healthy, and alam mo ‘yun ang sarap nu’ng pakiramdam, tanggal yung pagod,” hirit pa niya.

Samantala, si Billy ang host The Masked Singer na prinodyus ng Viva Entertainment para sa TV5.

 

ADVERTISING