Billy Crawford, no show sa grand presscon ng bagong pelikula

ADVERTISING

Billy Crawford, no show sa grand presscon ng bagong pelikula

Billy Crawford
Billy Crawford

Yesterday sa Instagram account ng girlfriend niyang si Coleen Garcia, nag-post ito ng kamay ng BF na si Billy Crawford na may karayom (dextrose), reason kung bakit hindi nakasipot si Billy sa grand presscon ng pelikulang “That Thing Called Tanga Na” last night na isinagawa sa Regal Events Place sa Valencia sa Kyusi.

Si Billy lang ang wala. All-star cast ay nandu’n at lahat present kagabi na isa-isang ipinakilala.

Present si Angeline Quinto, si Kean Cipriano, Eric Quizon, Martin Escudeo, Ken Alfonso, at Timothy Yap.

Happy ang presscon. Na-miss ng mga bida ang kasamahan nila dahil during the shooting ng pelikula, nagkaroon ng bonding ang mga bida lalo na sina Kean at Billy na isa ring saksakan ng pagiging komedyante off-cam.

ADVERTISING

Sa gay-com ng Regal Films, role ni Billy Crawford ay kloseta (tagong bading) na isang bruskong security guard na ang pangalan ay Baldo (as in lalaking siga, huh!) na ka-live-in ang boyfriend na kanyang inalagaan hanggang sa mamatay.

Sabi nga ng batikang direktor na si Joel, Walang hang-ups si Billy kahit lalaki siya. Mahuhusay sila sa kani-kanilang mga role kahit mga lalaki sila.”

Si Billy, cowboy nga. Walang arte sa mga role na kanyang tinatanggap sa kanyang acting career. Kung ibang lalaking artista lang siguro ang gaganap sa role niya as “Baldo” na may live-in partner, malamang magdadalawang-isip pa ang mga ito, kesyo baka makaapekto sa showbiz career nila at kung anong kabaklaan na naman at kaartehan na gagawin lang nila, malaking isyu na wala naman.

Kung sa bagay, si Billy, lalaki. Straight na lalaki. Sigurado sa kanyang lifestyle at sexual preference na ang gusto niya babae.

Ang tunay na lalaki kasi, tahimik lang at walang masyadong satsat (na siyang kabuunan ni Billy as a person).

Sayang, wala si Billy last night. Masaya rin siyang katsika. Tulad ng sabi ni Direk Joel sa deskripsyon niya sa artista niyang si “Baldo” na wala itong hang-ups, happy malamang ang Q and A with him lalo pa’t tunay na lalaki na happy siya sa kanyang role bilang bading sa pelikula.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING