Billy Crawford, nakipag-break kay Nikki Gil!

ADVERTISING

Billy Crawford, nakipag-break kay Nikki Gil!

Billy Crawford, nakipag-break kay Nikki Gil!RAMDAM NAMIN ang sakit at bigat ng loob ni Nikki Gil nang kumprimahin nito sa amin para sa Cinema News na break na sila ng kasintahang si Billy Crawford.

ADVERTISING

Ayaw magbigay ng detalye at ‘di pa handang magbukas ng saloobin tungkol dito si Nikki na naiintindihan at nirerespeto namin. Nakalulungkot lang na pagkatapos ng limang taong relasyon ng dalawa, inakala ng lahat na mauuwi ito sa kasalan.

Billy Crawford, nakipag-break kay Nikki Gil!Sinubukan din naming kunin ang panig ni Billy tungkol dito sa set ng It’s Showtime pero umiwas din ang TV host at nagsabi sa amin na magsasalita sa ibang araw.

May ilang kuwento na nakarating sa amin na nu’ng nakaraang Linggo raw ay umiyak sa dressing room si Nikki, kayakap si Gary Valenciano na parang tatay-tatayan nila sa ASAP. May ilang kuwento ring nakarating sa amin na si Billy raw ang nag-inititiate ng breakup kaya sobra raw nasaktan si Nikki sa nangyari.

ADVERTISING

Iba’t ibang kuwento ang tiyak na susunod na lalabas, pero dinarasal namin na nawa’y mapanatili ng dalawa ang pagiging magkaibigan sa kabila ng kanilang paghihiwalay at matagpuan nila sa mga puso nila ang kapayaan, kapatawaran  at kakayahang mag-move on. Dahil alam namin na malalim na minahal nina Nikki at Billy ang isa’t isa.

Maiba Lang
By MELBA R. LLANERA

ADVERTISING