BILLY CRAWFORD, NAGPALIT NG MANAGER: Pumirma ng 5 taong kontrata sa Viva

ADVERTISING

BILLY CRAWFORD, NAGPALIT NG MANAGER: Pumirma ng 5 taong kontrata sa Viva

BILLY CRAWFORD, NAGPALIT NG MANAGER: Pumirma ng 5 taong kontrata sa Viva
Billy Crawford

UMALIS NA sa ALV Entertainment si Billy Crawford. Ang Viva Artists Agency (VAA) na ang bagong manager ngayon ni Billy at kamakailan lang ang nag-sign na siya sa Viva ng 5 taong kontrata.

Ayon kay Billy nang makausap namin siya, naging maayos ang paghihiwalay nila ng dating manager.

“Ang pinagsamahan namin ni Arnold is 10 years. He is very helpful and nice to me through out my journey sa ABS (CBN) and outside ABS as well,” sabi pa ng singer-TV host.

Eh, bakit nga ba siya lumipat ng Viva?

ADVERTISING

“Siguro, for me it’s a new beginning. I figured that I needed something new. May kailangan akong baguhin kasi may bagong chapter na nga sa buhay ko na mangyayari. I’m not getting any younger, I’m 35 this year,

“Sa tingin ko, titriple yung trabaho ko. The platform kasi, lahat nasa Viva, eh. It’s really wide, it’s global,” katwiran ni Billy.

Inamin din ni Billy na biglaan ang desisyon niyang lumipat  ng ibang management pero noon pa man daw ay nagkakausap na sila ni Boss Vic.

“Actually, kami ni Boss Vic matagal na matagal na  kaming nag-uusap before. Dati pa, since bumalik ako, my first Tagalog movie was Moron 5 ng Viva. So, since then, we’ve always just been talking, they’ve been so helpful with me – sa tours ni Sarah (Geronimo) sa US and Europe.

“I’ve always been closed with Viva, and yon nga, it’s a new chapter in my life, it’s a new page and this page I think and I thought na siguro I have to start fresh, I have to start new,” huling pahayag ni Billy.

 

 

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING