Billy Crawford, may dinadalang mabigat na problema?

ADVERTISING

Billy Crawford, may dinadalang mabigat na problema?

Billy-CrawfordISA AKO sa nagulat at ‘di talaga makapaniwala sa lumabas na balita tungkol kay Billy Crawford.

Mabait kasi ang batang ‘yan kaya parang ayokong maniwala talaga na gagawin ni Billy ang manggulo at manakit ng tao.

Iyon kasi ang unang kumalat na may sinaktan daw na policewoman si Billy at nanggulo roon sa presinto sa The Fort, kaya kinulong ito.

Ilang araw ring nakulong si Billy at nu’ng nakaraang Lunes ng gabi lang siya nakalabas pagkatapos niyang mag-bail sa Taguig RTC.

ADVERTISING

Pero sinampahan si Billy ng kasong Malicious Mischief at Disobedience to Authority.

Ang dinig ko pa, nagbangga pa raw si Billy ng kotse niya sa pader bago siya pumunta ng presinto.

So, may dinadalang problema ito na mabigat kaya nagawa n’ya ‘yan.

Ewan ko kung nandito ang mga magulang ni Billy, pero siguro mas mabuting puntahan muna nila rito ang anak nila dahil iba talaga ‘pag nandiyan ang pamilya, ‘di ba?

Ang sabi nila, baka may kinalaman daw ito kay Coleen Garcia. Pero pinuntahan naman pala siya roon ng girlfriend niya at hindi naman siya pinabayaan. Ang sabi naman nila, hindi raw si Coleen ang dahilan. May ibang girl ba na dahilan?

Itong Coleen pa nga ang galit sa GMA news dahil sa nagkakalat daw ng maling balita. Eh, nandiyan naman, lumabas na totoo talaga, kaya ano pa ang sasabihin niya?

Anyway, ang sabi ng kampo ni Billy, magpapahinga raw muna ang aktor at TV host ng It’s Showtime bago siya bumalik sa trabaho. Pati yata si Coleen ay hindi rin muna mag-Showtime, para magpalamig muna.

Pero siguro mas mabuting linawin muna niya ang isyung ito at sagutin niya bago siya bumalik sa TV ‘no!

Pinag-uusapan nga nila kung anong karma meron diyan sa mga host ng It’s Showtime. Lahat yata sila, nasangkot na sa gulo at laging nangyayari sa The Fort, ha?!

Pati ‘yang Star Magic Ball laging may dalang gulo, eh. Kaya dapat ingat-ingat na, ‘no!

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING