Billy Crawford, mas naging ganap na lalaki kay Coleen Garcia

ADVERTISING

Billy Crawford, mas naging ganap na lalaki kay Coleen Garcia

Billy Crawford, mas naging ganap na lalaki kay Coleen Garcia
Billy Crawford and Coleen Garcia

PAGKATAPOS ng proposal ni Erwan Heussaff sa TV host-actress na si Anne Curtis, another TV host from noontime show na “Its Showtime!” ang sumunod na nagkaroon ng engagement. Malugod na ipinahayag ni Billy Crawford ang kanyang pagnanais na makasama habambuhay si Coleen Garcia, kung saan mas naging malapit sila sa isa’t isa sa naturang show.

Bago pa ang proposal, naibahagi na ni Billy ang ilang mga rason kung bakit sila magkasundo ni Coleen.

Aniya, “Kasi ang pinakahilig namin as a couple, food. We really love to eat and we love good food. Kailangan, sa lahat ng ano mang bagay na sine-celebrate namin sa buhay namin, malaking bagay pa rin diyan ang pagkain.”

Sa panayam naman ni Boy Abunda kay Billy sa kung anong qualities ni Coleen ang nakita ng binata na wala sa naging karealsyon niya before: “I’m actually blessed with an angel.”

ADVERTISING

Dagdag pa niya, “I discovered that I understood a lot more things than I thought I didn’t understand before. Iyong maturity ko, I guess she made me become more of a man.” 

Sa True Lang
by Throy Catan

ADVERTISING