Billy Crawford ire-revive ang international singing career

Leo Bukas

IPINAGPAPASALAMAT ni Billy Crawford na kuripot ang napangasawa niyang si Coleen Garcia. Napakalaking tulong daw ng kanyang misis para maging maayos ang budget ng kanilang pamilya.

“Ang mga lalaki hindi puwede pagkatiwalaan sa mga pera!” pagsisiwalat ni Billy sa isang interview.

Billy Crawford ire-revive ang international singing career
Billy Crawford

Aminado rin ang singer-host na isa siyang impulsive buyer pero nakokontrol daw ito ni Coleen simula nung ikasal sila.

“Mahilig ako sa toys. I’m an impulsive person, kaya pasalamat ako sa Diyos, kuripot ang asawa ko,” saad pa niya.

“Siya talaga yung, alam mo yung, ‘Psst! Huwag mong bilhin yan. Bakit mo bibilhin yan? Kailangan natin pang ganito para kay Amari (anak nila),’” na sinasang-ayunan naman daw niya at sinasabing, ‘Tama ka, love!’”

“You need that balance in your life, eh. And Coleen does that for me. She budgets things very, very well. Si Coleen, hindi naman siya ma-brand na tao, hindi siya ano, she’s a very simple simple woman pero, may class at may taste,” pahayag nii Billy.

Ayon pa kay Billy, hindi naman daw nila pinag-aawayan ang pagiging kuripot ni Coleen.

“Ako talaga, simula nung bata pa lang ako, to be honest, I think money is evil. Money is so evil na gusto ng mga tao na magpatayan dahil sa pera. And the only way to survive is to have money.

“Ayokong pananaw yan. Hindi ko ina-idol ang pera. Ang Diyos ang iniidolo ko. At darating at darating ang pera, as long as you work hard for it. Yon lang,” katwiran niya.

Samantala, kasama sa mga plano ni Billy ngayong back to normal na ang lahat ay bumalik ng France para i-revive ang kanyang international singing career.

Balita ni Billy, “July to August, I’ll be back sa France. I’ll be there for a good month and a half to do a tour again. So, I’m trying to reach and penetrate as much as there is to penetrate. It’s a start of a new beginning for everyone.”

Previous articleDirek Joel Lamangan walang nagiging problema sa mga baguhang artistang nakakatrabaho
Next articleChristine Bermas, no comment sa isyu ng dating leading man na si Kit Thompson