Billy Crawford, bumabata ang pakiramdam ‘pag kasama si Coleen Garcia

ADVERTISING

Billy Crawford, bumabata ang pakiramdam ‘pag kasama si Coleen Garcia

Billy Crawford
Billy Crawford

Hindi raw nagiging problema nina Billy Crawford at Coleen Garcia sa kanilang relasyon ang age gap nila. Mas matanda si Billy nang 10 taon kay Coleen Garcia pero walang isyu tungkol dito.
Nakausap namin si Billy Crawford sa pocket presscon ng Regal Films para sa pelikulang “That Thing Called Tanga Na” at ayon sa kanya, nakababata raw ang pakiramdam kapag bata rin ang girlfriend.

ADVERTISING

“I feel young when I’m with her,” proud pa niyang pahayag.
Ano’ng klaseng wedding ba ang gusto nila ni Coleen?

“Very simple. Of course, anything that she wants, yon yung importante. But I don’t want it like ‘yung glamorous na nagpapakitan- gilas kami sa buong mundo na ‘Hoy, ikakasal na kami.’ Because the wedding is supposed to be between her and I and God,” sagot niya.

Sa tingin ba niya, hindi pa ready si Coleen kaya hindi pa rin siya nagpo-propose dito?

ADVERTISING

“I don’t know. I really don’t know if I propose and she’ll turn me down now. Hindi ko lang alam, eh. Hindi ko lang talaga alam.”

Eh,  hanggang kailan siya maghihintay sa girlfriend? Ang sagot niya, “Para sa kanya, habang buhay!”

Wow naman!

Palabas na ang “That Thing Called Tanga Na” sa Miyerkules, Aug. 10. Bida rin sa pelikula sina Eric Quizon, Kean Cipriano, Martin Escudero, at Angeline Quinto. The movie is directed by Joel Lamangan.

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING