Billy Crawford, bastos sa mga bakla! – Cristy Fermin

ADVERTISING

Billy Crawford, bastos sa mga bakla! – Cristy Fermin

TATLONG MAGKAKAHIWALAY NA tawag mula sa mga kaibigan naming katawang-lalaki pero pusong-babae ang tinanggap namin nu’ng Linggo nang hapon. Galit sila, naglalabas sila ng saloobin, ang kanilang target—si Billy Crawford.

ADVERTISING

Hindi nila nagustuhan ang ginawang pagbabakla-baklaan ni Billy sa opening pa lang ng ASAP ’09, naulit pa ‘yun sa kalagitnaan ng programa habang iniinterbyu ang mga hunk actors ng Katorse, ang ipinakikita noon ay ang magazine na naglalaman ng mga sexy pictorial ng mga macho at nagguguwapuhang aktor ng Dos at ng Siyete.

Inagaw ni Billy ang kopya ng Cosmo, saka nagbakla-baklaan na naman, hindi ‘yun nakalusot sa matutulis na mata ng mga kaibigan naming oo nga’t pusong-babae ay hindi naman pabigat sa lipunan.

Sabi ng isang kaibigan naming tumawag pa mula sa Tacloban, Leyte, “Napakabastos ni Billy, ang akala niya, e, nakakatuwa siya, pero maraming gay ang na-offend sa ginawa niya sa ASAP.

ADVERTISING

“Sa opening pa lang, nagbakla-baklaan na siya, lumuhod pa siya saka ginaya ang kilos ng mga bading. Nu’ng iniinterbyu naman sina EJ Falcon at Erich at isa pa nilang kasama sa Katorse, inagaw niya ang Cosmo Mag, saka parang tulo-laway niyang tiningnan ang mga sexy photos ng mga hunks du’n.

“Ganu’n kababa ang tingin ni Billy sa mga bading, parang gusto niyang palabasin na kapag nakakakita ng magazine na puro sexy men ang nandu’n, e, halos hindi na mapakali ang mga bading.

“Bastos ang lalaking ‘yun! Akala niya naman, e, sikat na sikat na siya, samantalang one of those lang naman siya sa show,” matalim na pahayag ng aming kaibigan.

Halos ganu’n din ang naging reaksiyon ng isa pa naming kaibigang tumawag mula sa Parañaque, inis na inis ito kay Billy Crawford, mas personal ang naging pagpuna nito sa singer-TV host.

“Hindi ko na talaga siya gusto kahit nu’ng kararating pa lang niya. Naunahan kasi siya ng issue ng kawalan ng utang na loob dahil kay German Moreno. Alam mo naman tayong mga Pinoy, mortal sin ang kawalan ng gratitude, kaya kahit noon pa, hindi ko na siya type.

“Tapos, kung magsayaw siya, para siyang bakulaw sa kalakihan. Hindi ko kasi gusto ang malalaking lalaking nagsasayaw, parang wala silang grace, parang nagwawala lang sila sa stage.

“Iba pa ring magsayaw si Vhong Navarro, ibang-iba ang grace ng Streetboys, sayaw talaga ang ginagawa nila, hindi basta pagwawala lang sa entablado. May footwork si Billy, pero sabi ko nga, hindi magandang magsayaw ang malalaking tao.

“Lalo ko pa siyang inayawan nu’ng mapanood ko siya sa ASAP na nagbabakla-baklaan. Bastos siya, masyadong mababa ang tingin niya sa mga bading, wala siyang utang na loob talaga dahil maraming bading ang nakatulong sa kanya sa mga ambisyon niya.

“Kuya Germs is gay, ang mga tumulong sa kanya sa ABS-CBN, karamihan, bading, pero ginagawa niyang joke ang pagiging bading!” inis na inis na pahayag ng tumawag sa amin.

HALOS GANU’N DIN sa pananaw ng dalawa naming kaibigan ang sinabi ng pangatlong tumawag sa amin. Bastos si Billy Crawford, ginagawa niyang katatawanan ang kabadingan, wala siyang respeto sa ikatlong lahi.

Napanood din namin ang mga eksenang tinutukoy ng aming mga kausap, kahit kami’y nahalayan sa mga ginawa ni Billy, hindi siya si John Wayne Sace na gumanap sa papel ng isang bakla sa Maalaala Mo Kaya na ang galing-galing.

Nasa isang variety show si Billy Crawford, hindi hinihingi ang ginawa niyang pagbabakla-baklaan sa kabuuan ng programa, pero may kayabangan kasi talaga ang singer-TV host na ito.

Balita nga nami’y maraming kasamahan niya sa ASAP at PDA ang naiinis sa kanya, masyado raw kasing feeling guwapo at magaling ang lalaking ito, kaya maraming nagtataka kung bakit siya nagustuhan ni Nikki Gil.

Nasa Pilipinas na siya, kaya sana’y hubarin na ni Billy Crawford ang kulturang kinalakihan niya sa kung saanmang lupalop ‘yun, kailangang makibagay siya sa bansang bumubuhay na sa kanya ngayon.

Cristy Per Minute
by Cristy Fermin

ADVERTISING