Billy Crawford, bantay-sarado si Coleen Garcia sa shooting ng indie movie

ADVERTISING

Billy Crawford, bantay-sarado si Coleen Garcia sa shooting ng indie movie

Coleen-GarciaBINISITA NI Billy Crawford si Coleen Garcia sa shooting nito ng indie film sa bandang Marikina. Sakay ng kanyang black Maserati car, nag-usap ang dalawa sa labas ng building na pinagsIsyutingan. Sweet na sweet daw ang couple.

Nag-stay raw nang matagal si Billy at binantayan ang dyowa niyang si Coleen. Hindi naman sagabal si Billy sa shooting, kaya lang parang bantay-sarado sa kanya si Coleen.

Although hindi pa sila umaamin na they’re already a couple, marami ang nag-iisip na magdyowa na nga sila, ‘no! Bakit kasi hindi pa sila umamin? Me nagbabawal ba?

 

ADVERTISING

DAPAT MAG-ARAL ng PR 101 itong si IC Mendoza. Many of his invited media guests were disgusted when they covered his event, Miss Teen Earth and Little Miss Earth Philippines headed by Vas Bizmark ng Captured Dreams and Runway Productions.

The event started rolling at 9 p.m. and finished by 1 a.m. pero hindi man lang nagpakain si IC. Ang cheap nila, ‘di ba? Bongga ang production tapos walang food for the invited press? Aware kaya si Vas Bizmark na ginutom nila ang press?

 

BONGGA ANG fund-raising concert na RISE! Rebuilding from the Ruins presented by PLDT-Smart Foundation and One Meralco together with the Cultural Center of the Philippines, June 11, dahil bukod sa  Manila Cathedral-Basilica, Intramuros, Manila ito gagawin ay star-studded ang performers. The concert which will benefit Caritas Manila’s Haiyan rehabilitation program features Ryan Cayabyab’s music as performed by the Philippine Philharmonic Orchestra, Basil Valdez, Dulce, Jed Madela, Clarissa Ocampo, Ervin Lumauag, the Ryan Cayabyab singers with the special participation of Manila’s Archbishop Luis Antonio G. Cardinal Tagle.

Kuwento ni Archbishop Tagle, he visited a church in Palo, Leyte. The diocese was celebrating their 75th anniversary at it was very touching dahil tagpi-tagpi ang bubong ng church habang nagmimisa ang pari.

“Naku, talaga namang (nakakapanlumo). They put some spare yero. I’ve been a priest for 32 years now and having celebrate countless of masses, you go in to that church that has just experienced the ravages you just get affected. Humangin, nilipad na naman ang mga yero. Kita mo ‘yung panic ng mga tao, parang allergic na sila sa ulan at hangin. The one thing that I appreciated is that people stayed and finished the mass. This is a living community. Natanggal ang bubong, gumuho ang pader pero nandoon sila,” kuwento ni Archbishop Tagle.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

ADVERTISING