Billy Crawford and Nikki Gil, nakapanghihinayang ang halos perpektong relasyon

ADVERTISING

Billy Crawford and Nikki Gil, nakapanghihinayang ang halos perpektong relasyon

Billy Crawford and Nikki Gil, nakapanghihinayang ang halos perpektong relasyonMARAMI ANG nanghinayang sa relasyong Billy Crawford at Nikki Gil na nauwi lang din sa hiwalayan. Imagine, magli-limang taon na ang kanilang samahan at masasabi nga nating ‘perfect match’ na ang dalawa at marami na ang nagsasabing mauuwi na nga sa kasalan ang kanilang pag-iibigan.

ADVERTISING

Until recently, bumulaga sa mga balita na hiwalay na nga sila sa hindi malamang dahilan. Wala pa ring nagsasalita both camps sa tunay na dahilan kung bakit nauwi ang near perfect relationship nila sa hiwalayan.

Billy Crawford and Nikki Gil, nakapanghihinayang ang halos perpektong relasyonBabalikan lang namin ang panayam namin kay Nikki last March 6, 2013 kung saan sinabi nitong happy raw silang dalawa ng boyfriend na si Billy at going strong ang kanilang samahan.

Nagkuwento pa nga ang singer-actress kung ano ang naging sikreto nila at napanatili ang masayang samahan. “Communication, lagi kaming nag-uusap, lagi kaming nag-a-update-an sa nagaganap sa buhay ng isa’t isa. Kung meron kaming pinagdadaanan ,we deal with it na kaming dalawa lang.”

ADVERTISING

Kung may mga hindi man daw sila pagkakaunawaan, they made sure na maayos daw ito kaagad. Lahad ni Nikki, “Si Billy  ano ‘yan e, hindi siya nakatatagal nang magkagalit kami. Kahit siya ‘yung mali, ayusin niya ‘yan kaagad. Basta ayaw naming tinutulugan ang away. Ako kasi, ‘pag babae kasi ‘pag nagalit, matagal lumamig ang ulo, siya ‘yung nanunuyo talaga… alam mo pero ‘pag mali ako, I’m the one to apologize.”

Selosa ba siya? “Selosa ako, siya rin naman seloso rin siya, normal na lamang ‘ata ‘yun sa mag-irog.”

Kuwento pa ni Nikki noon, napag-uusapan na raw nila ang kasalan dahil magli-limang taon na rin daw ang kanilang relasyon. “Oo naman, five years na rin kami e, pero nothing serious, wala pa naman talagang siguradong plano, or wedding (plans), wala pa roon. Pero papunta na kami roon, kasi nag-iipon na kaming dalawa.”

Dagdag pa niya, “Siyempre ‘yun ang gusto namin, kasi ‘di ba sayang naman ‘yung five years na ‘yun kung hindi, ‘di ba? Siyempre I want him to be the one na, I want this to work. Pero hindi naman kami nagmamadali, kasi bata pa naman kami. Marami pa kaming kailangang asikasuhin.”

Panigurado pa niya noon, “Ako, I believe in sowing and reaping honesty and loyalty and all this good things and I’m very happy.”

Three days ago, sa Instagran account ni Nikki, nag-post ito ng larawan kayakap ang aso niya. Ayon pa rito, “Charlie baby gimme some lovin.”

Sa It’s Showtime naman noong Biyernes, the show must go on pa rin si Billy at naka-smile pa rin ito habang nag-deliver ng kanyang opening spiels.

Sa panayam naman ng TV Patrol, matapos ang It’s Showtime ay todo-iwas si Billy na magbigay ng interview.  Sa tanong kung kamusta na siya, sagot nito, “I’m great, I’m good.”

Pakiusap pa ni Billy, sasagutin daw niya ang tungkol sa isyu sa tamang panahon. Aniya, “I’ll answer everything next time.”

Sa kanilang Instagram accounts, 9 weeks ago ang huling post ni Billy ng litrato niya kasama si Nikki samantalang ang huli ay 5 weeks ago naman ang huling post kasama ang una.

Sure na ‘to
By Arniel Serato

ADVERTISING