‘Billboard Suitor’ ni Erich Gonzales na si Xian Gaza, scammer nga ba talaga? Ogie Diaz, nagsalita na!

ADVERTISING

'Billboard Suitor' ni Erich Gonzales na si Xian Gaza, scammer nga ba talaga? Ogie Diaz, nagsalita na!

'Billboard Suitor' ni Erich Gonzales na si Xian Gaza, scammer nga ba talaga? Ogie Diaz, nagsalita na!
Erich Gonzales

SINO BA TALAGA si ”Billboard Suitor” ni Erich Gonzales?  Hayun at naging viral na siya.

Pinatulan ng iba’t ibang entertainment writers at online website ang isyung ito.

            
Pero madami ang nagdududa sa pagkatao niya.
 
Sa isang Twitter post, nabasa ko na ang ina ni Ella Cruz nag-react negatively tungkol sa lalaki.
 
Maging si Liza Soberano, nadawit ang pangalan na ipinapalabas na nililigawan niya.
 
Para makilala kung sino “siya” heto ang Facebook tsika ng kaibigang Ogie Diaz tungkol sa lalaking ito para matapos ang usapan at para may mapagkilanlan tungkol sa tao na ito na sumulpot na parang kabute nung nag-uulan na.
 
Narito ang FB post at paliwanag ni Ogie last Tuesday:
 
“Ang dami na rin lang nagtatanong tungkol kay Xian S. Gaza kung kaibigan ko ba siya? Scammer ba siya? Manloloko? O talagang matinong businessman at business partner talaga ako?
 
“Kasi na-drag na ang name ko (wow, na-drag talaga) sa isang post ng isang taong may galit o bad experience kay Xian.
 
'Billboard Suitor' ni Erich Gonzales na si Xian Gaza, scammer nga ba talaga? Ogie Diaz, nagsalita na!
Liza Soberano and Ogie Diaz

Yes. Kilala ko siya. Mabait naman siya sa akin at sa mga kaibigan ko. In fairness.

 
“Yes, inalok niya akong investor sa civet coffee business niya, pero nag-pullout po ako ng investment (with interest gain naman) dahil kailangan ko ng pera para sa isang property na deadline na for full payment about 2 weeks ago.
 
“Yung kay Erich Gonzales na viral ngayon, hindi ko po alam yan. Baka diskarte niya yan bilang manliligaw. Nung na-viral na, dun ko lang nabasa.
 
Pagpapatuloy pa ni Ogie: “ Hiyang-hiya nga sa akin si Xian at nagso-sorry dahil nadadamay na raw ako at yung pagpapa-picture niya with Liza Soberano ay nagagamit din.
 
“Hindi ko po alam ang mga transactions niya in the past. Kung meron mang concerns ang ibang tao sa kanya, dumirekta na lang po sa kanya, wag na po sa akin.

“Mula nung mag-pullout po ako ng investment (parang ang laki-laki naman, hahaha!) sa kanya, hindi na po kami nagkita. Huli naming usap ay yung na-viral ang coffee invite nya kay Erich.

“Nagtampo nga ako sa potah dahil pag nagkakape kami, hindi naman naman niya pinapagawaan ng billboard. Charot,”pagtatapos niya.
 
            Yun, tapos ang usapan!

Reyted K
By RK Villacorta

ADVERTISING