Bilang suporta sa Songbird sa pamba-bash ng fans ni Sarah Geronimo
Vice Ganda, pinadalhan ng flowers at card si Regine Velasquez

ADVERTISING

<i>Bilang suporta sa Songbird sa pamba-bash ng fans ni Sarah Geronimo</i><br>Vice Ganda, pinadalhan ng flowers at card si Regine Velasquez

Vice-Ganda-Regine-VelasquezNAGPADALA NG bouquet of flowers with matching card si Vice Ganda kay Regine Velasquez.

Na-hurt nang husto si Vice nang malaman niyang bina-bash ang Songbird ng ilang fans. Ang pagpapadala niya ng flowers at card ay pagpapakita ng kanyang suporta sa singer.

Kaagad na ipinost ni Regine ang card at ang flowers na galing kay Vice.

Samantala, natukoy na isang Youtube account na sinasabing galing sa isang masugid na tagahanga ni Sarah Geronimo ang nagpapalabas diumano ng videos laban kay Regine at iba pang mga singers tulad nina Rachelle Ann Go at Jonalyn Viray. May Youtube name itong “Regine Laos”.

ADVERTISING

So, talaga palang may kinalaman ang fans ni Sarah sa pagpapakalat na laos na si Regine. Hindi yata alam ng IDIOT fans ng dalaga na hindi naman masu-surpass ng kahit na sinong singer ang mga achievement ni Regine, ‘no.

Spell BITTER?

Vice-Ganda-Regine-Velasquez

HOW TRUE na flop ang My Husband’s Lover concert sa Smart Araneta Coliseum last weekend?

Usap-usapan sa social media na hindi napuno ang venue at merong mga area tulad ng lower and upper box na hindi puno. Tanging ang patron seat lang daw ang puno at ang general admission area.

Nakita raw ang hindi pagkakapuno ng venue nang mag-perform si Kevin Santos kasama ang mga hunk na sundalo.

Kasama sa One More Try: My Husband’s Lover The Concert ang cast na kinabibilangan nina Dennis Trillo, Tom Rodriguez, Carla Abellana, Kuh Ledesma, Roi Vinzon, Kevin Santos, Victor Basa, Rodjun Cruz.

Nag-react ang mga tao sa Facebook. Meron isang nagsabing hindi flop ang concert.

“Anung nilangaw ehhh sold out nga ehhh.. bobo lang nalate lang daw ung iba ooh anu? nga nga kayo ?? search search din pag may time. mga inutil.”

Pero mas marami ang nagsabing flopey ang show.

“And dilim nga sa audience eh para takpan ang mga vacant seat hahaha kakatawa…. yan nga si Suzi Doctolero puro negative sa mga artista ng kapamilya even sa mga show why not yan din ibalik ng mga tao ayaw sa kanyan… Karma …. Balita ko nga di pa tapos umuwi na ang iba..Naboooring ata hahaha.”

“Tapos Ung Ipinapakita nila na maraming tao sa baba yun alangan doon marami tao may VIP tickets seats yun andun family staff ibang artista o mga kapuso boss tapos ang dilim pa nung ipinakita ang picture para di klaro mga vacant seats sa second raw..hehehehehe.”

 

MEDYO NINERBYOS pala si Martin Escudero sa jacuzzi scene nila ni Rufa Mae Quinto.

“Isa ‘yan sa mga crushes ko. ‘Yung mga pelikula niya noon pinanonood ko palagi. Crush ko si Peachy (Rufa Mae) kasi mahilig ako sa mga singkit. May pagka-chinita siya at ‘yun ang weakness ko,” pag-amin ni Martin during the presscon for Positive, a primetime drama series which delves on HIV.

The steam that Martin felt as they were to cavort in a jacuzzi was dampened, however, by the cold water.

First time ni Martin magpaseksi sa TV at naloka siya sa lamig ng tubig sa jacuzzi.

“3 a.m. na, eh. Nakalimutan nila na may hot water ‘yung jacuzzi. Nanginginig na ako pero nu’ng dumating siya medyo mainit na kasi dalawa na kami.”

Bilang Carlo na nagkaroon ng HIV dahil na rin sa dami niyang nakarelasyong babae ay nagpaka-daring na nga si Martin.

“Dito ko ginawa halos lahat ng eksena ko na first time. Nu’ng partner ko si Alex Gonzaga, ano, eh, kahit kissing scenes wala kami noon. Mapangahas ako rito kaya medyo nahirapan ako.”

Aminado naman siyang tinablan siya sa ilang mga eksena sa Postive.

“Siyempre lalaki naman ako kaya normal sa akin ‘yon na makaeksena ‘yung isang babae sa ganoon. Siyempre hindi naman maiiwasan ‘yon (na tablan). Pero hindi pa rin nawawala sa isip ko na eksena lamang ‘yon, so bawal (tablan) lalo na matagal na tayong hindi gumagawa ng ganoon sa screen at off-screen.”

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

ADVERTISING