Bigay raw kasi ng dating makapangyarihang pulitiko
Mansion ni Rufa Mae Quinto sa Amerika, pinaiimbestigahan?!

ADVERTISING

<b>Bigay raw kasi ng dating makapangyarihang pulitiko</b><bR> Mansion ni Rufa Mae Quinto sa Amerika, pinaiimbestigahan?!

<b>Bigay raw kasi ng dating makapangyarihang pulitiko</b><bR> Mansion ni Rufa Mae Quinto sa Amerika, pinaiimbestigahan?!OLA CHIKKA now na! Oh, no… oh, yes! Ito talaga ang nakalolokang nasagap kong tsika na hindi lang ang mga pulitiko ang pinaiimbistigahan ang kayamanan, kundi maging ang mga artistang kaduda-duda ang pinanggalingan ng kanilang assets and liabilities kuno. Kaya lang, may impeachment din ba dito? Hehehe!

Kasi nga naman, itong si P-chi, tawag kay Rufa Mae Quinto ng mga malalalapit sa kanya, ay pinaiimbistigahan na rin ang kanyang kayamanan, lalo na ang mansion daw nito sa Amerika na bigay raw ng kanyang ex-lover na pulitiko, na dating powerful to the max, pero kinukuwestiyon din ang kanyang mga kayamanan kaya nasali ang mansion daw ni Rufa Mae.

Kung ito nga ay totoo, talagang malaking problema ito ni Rufa Mae ‘pag nagkataon. Wala na nga siyang project, kasi wala na siya sa Wil Time Bigtime sa TV5. Isa pa, tapos na ang pamamayagpag ng kanyang lover, kasi nga naman wala na silang power na ipagtanggol si Rufa Mae.

Kaya kung totoo man ito, sayang lang ang hirap ni Rufa Mae na mapasakanya ang nasabing mansion. Ito raw kasi ang bulung-bulungan sa USA. Ayan, ha? Bulung-bulungan na naman, pero ibang Rufa ang binubulong ng mga taga-USA. Kasi nga naman hindi naman daw gano’n kayaman si Rufa Mae para makabili ng mansion doon, kaya ngayon pa lamang ay natataranta na raw ito sa posibleng mangyari sa kanyang mansion. Kasi nga naman, wala nang power ang inaasahan niyang magtatanggol sa kanya o magbibigay-proteksiyon sa kanya, kundi nganga.

ADVERTISING

Kaya pala kapansin-pansin ang pagkawala ng direksiyon ng kanyang career na parang hindi niya malaman kung saan tutungo para magkaroon ng project, mga show at pelikula. Waley! Kapansin-pansin nga raw na dati-rati nu’ng kasagsagan ng love affair nila nitong politician, panay ang pabalik-balik sa America. At wala siyang pakialam sa mga iniwanan niyang show. Ang mahalaga, madatung siya at may mansion at mga branded ang mga gamit. Talagang nagbuhay donya ang rufingfing. Say n’yo? Ito ba ay true?! Nagtatanong lang po. Hahaha!

<b>Bigay raw kasi ng dating makapangyarihang pulitiko</b><bR> Mansion ni Rufa Mae Quinto sa Amerika, pinaiimbestigahan?!

TALAGA NAMANG nakabubuwang sa Earth! May nag-chat kasi sa akin na tinitira ako ng isang has been na artista na wala namang pinagkatandaan sa showbiz. Salamat naman kung ganu’n. Kasi hindi ako marunong mag-tweet at wala akong account. Baka makakuha lang ako ng kaaway.

Karapatan ko bilang mamamahayag ang mga sinasabi ko at hindi ko kakampi ang sinasabi niyang dapat nasa kulungan pa hanggang ngayon. Sinasabi ko lang naman ang totoo. At wala akong balak bumalik pa sa pag-ho-host ng mga talk show. Tama na ang nakasama ko si Kris Aquino. Kasi never kong pinangarap na makasama ang anak niya. Baka mabahiran pa ako ng kabastusan.

Sa tinagal-tagal ko sa industriya, 45 years, kayo lang ang mambabastos sa akin? Kahit sina Susan Roces, Amalia Fuentes, Nora Aunor, Vilma Santos… kahit si Megastar Sharon Cuneta na minsan, pinagsasabihan ko sa column ko ng nega… pero kung babasahin mo nang mabuti, constructive criticism ang mag sinasabi ko sa mga comment ko.

Kaya siguro pumutak ka, kasi tumpak ang mga sinabi ko. Sorry, hindi ako pumapatol sa mga mabababaw. Talk to my lawyer. See you in court. Taray! Ikaw na talaga, ‘teh!

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

ADVERTISING