BIG SHOWBIZ EVENT: Star Magic Ball, inaabangan na ng mga showbiz miron

ADVERTISING

BIG SHOWBIZ EVENT: Star Magic Ball, inaabangan na ng mga showbiz miron

BIG SHOWBIZ EVENT: Star Magic Ball, inaabangan na ng mga showbiz miron
Kapamilya stars Piolo Pascual, Vice Ganda, Zanjoe Marudo, Maja Salvador, McCoy de Leon and Liza Soberano

BUKAS NA, Saturday September 30 ang bonggang kaganapan sa showbiz na Star Magic Ball na gagawin sa sosyaling Shangri-la Hotel sa Makati.

ADVERTISING
 
Imagine, magsasama-sama ang almost 300 stars ng talent management arm ng ABS-CBN na in the previous years ay mga frontliners ang mga bigating mga artista ng Star Magic with the likes of Piolo Pascual, John Lloyd Cruz, Jodi Sta. Maria, Angelica Panganiban at marami pang iba.
 
I remember in the past kung saan sa naturang event ay nagbangayan sina Coco Martin at Matteo Guidicelli over Maja Salvador na umabot pa sa suntukan at the event’s venue.
 
Sa naturang Star Magic Ball din naganap ang sinasabing pag-iwan ni Ellen Adarna sa kadate na si Ejay Falcon na ang sabi ay bigla nawala sa kalagitnaan ng kasiyahan at sumama kay Paulo Avelino. Sa naturang event din naganap ang sobrang kalasingan ni Billy Crawford na ipinagpatuloy angmkasiyahan sa isang bar sa BGC na umabot sa isang engkuwentro na sa police sub-station at nagwala pa ang singer-host.
 
Hopefully, this year’s Star Magic Ball ay matahimik at walang kabuntot na mga isyus at ang magiging trending ay ang mga naggagandahang mga suot na gowns ng mga Star Magic Girls at mga poging Star Magic boys.

Reyted K
By RK Villacorta

ADVERTISING