Blind Item: Bidang aktres, mas gustong magpa-dyug sa leading men kaysa sa mister!

‘ETO NA NAMAN. Me narinig na naman kaming kuwento na parang “binabalewala” ng isang aktres na nagbibida sa teleserye ang kanyang partner in life.

Siyempre, wala na lang choice ang aktres, dahil pinakasalan niya ‘yan, eh. Sa hirap at ginhawa, dapat, lagi silang magkasama. Alam naman ng aktres kung gaano siya kamahal ng lalaki.

Kasi, ang lalaki, hindi naman babaero. One-woman man, ‘ika nga. Kaso mo, siyempre, me mga pangangailangan din namang personal ang lalaki sa kanyang misis, ‘di ba?

Kaso, si aktres, wa niya feel palagi. Ang lagi niyang dahilan, masakit ang ulo niya, matutulog siya nang maaga dahil me taping pa siya, sinisikmura siya, wala sa mood at kung anu-ano pa.

Kaya ‘yung “kalabit” ni mister ay nauuwi na lang sa, “Sige na nga, tulog na tayo!”

Pero ang totoo talaga, ayon sa aming source, na-realize ng aktres na naiinis siya sa asawa. Parang hindi siya naggo-grow rito, dahil laging nakadikit sa kanya, hindi masyadong nagtatrabaho.

Mas gusto raw mag-alaga ng mga anak nila kesa mag-isip ng ikabubuhay. Saka hindi ang katawan nito ang hinahanap-hanap niya, kundi ang kanyang mga nagiging leading man.

Sabi nga namin sa aming kausap, “Ikaw naman, porke ayaw lang makipag-sex, ‘yun na agad ang dahilan?”

Sabi ba naman sa amin, “Ano ka ba? Sa bibig na nga niya nanggaling na parang gusto niyang magpa-ano uli du’n sa ex-boyfriend niya, ‘no! Kung matino kang misis, sasagi ba sa isip mo ‘yon?”

Hay, naku, basta kami, gusto pa rin naming paniwalaan na isang loving wife at mom ang aktres na ‘to. At naniniwala kaming dapat mahalin ng babae ang lalaking pinakasalan niya.

Me gano’ng factor, ‘no?

by Ogie Diaz