BIDA NA! Shaira Diaz, bagong leading lady ni Ruru Madrid sa ‘Lolong’

ADVERTISING

BIDA NA sa wakas ang Kapuso actress na si Shaira Diaz sa upcoming action series ng GMA Public Affairs na ‘Lolong‘. Bago pa man nagkaroon ng global pandemic ay inanunsyo na ng Kapuso Network na si Ruru Madrid ang bida sa proyekto at sina Sanya Lopez at Kim Domingo naman ang kanyang leading ladies.

BIDA NA! Shaira Diaz, bagong leading lady ni Ruru Madrid sa 'Lolong'
Shaira Diaz

Ang bagong balita ay may bagong leading lady na si Ruru at iyon ay walang iba kundi si Shaira Diaz. Kung hindi kayo pamilyar sa kanya, nag-umpisa ang dalaga sa bakod ng TV5 sa pamamagitan ng Artista Academy, kung saan din nanggaling sina Sophie Albert, Ritz Azul at Vin Abrenica na ngayo’y may kanya-kanya na rin karir sa showbiz.

ADVERTISING

Lumipat sa GMA-7 si Shaira noong 2017 nang mawala ang Entertainment Department ng TV5. Sa kanyang bagong tahanan ay lumabas siya sa ilang TV shows tulad ng Trops, Contessa, Pamilya Roces at ang naging biggest project niya as of late ay ang romance-comedy show na ‘Love You Two’ na pinagbidahan nina Gabby Concepcion at Jennylyn Mercado. Siya ang gumanap na younger sister ni Jennylyn na patay na patay kay Gabby.

Siguro’y nakitaan na rin ng potensyal ang aktres na mala-Dawn Zulueta ang ganda, siya na ngayon ang napisil na leading lady ni Ruru. Hindi pa nabigyan ang dalawa ng pagkakataon na magkatrabaho, pero ayon kay Ruru, alam na niya na magaling ang kanyang bagong onscreen partner dahil napapanood na rin niya ito.

ADVERTISING

Ayon kay Shaira, akala niya ay screen test pa lang ang ginawa nila via Zoom kaya naman naiyak na aito sa tuwa nang malaman na siya na pala ang napili para sa role. Hindi pa tinutukoy kung ano eksakto ang karakter ng aktres, pero excited na kami para sa kanya!

Sa mga nagtatanong kung ano ang nangyari kina Sanya at Kim, wala pa kaming balita. May suspetsa kami na baka isa sa kanilang ang napiling pumalit kay Marian Rivera sa ‘First Yaya’.  Ano sa tingin niyo?

Whatever the reason is, ang importante ay kay Shaira Diaz na napunta ang role. Matagal-tagal na rin ang hinintay nito at sana’y ito na ang kanyang lucky break. Goodluck girl!

ADVERTISING