Bida-bidang bagets sa Internet space

ADVERTISING

Bida-bidang bagets sa Internet space

SIKAT NA sikat ang mga Pinoy Bagets sa mundo ng Internet ngayon. Kabilaan ang mga trending news sa mga kabataan ngayon. Nariyan si Tiffany Uy, ang nakakuha ng pinakamataas na marka sa kanyang pagtatapos sa UP Diliman; si Balang, ang bibong-bibong zumba kid na naimbitahan sa Ellen De Generes talkshow; ang mga nagkalat na Twerk Like Miley vidoes at siyempre hindi puwedeng mawala sa listahan ang sikat na sikat na Pabebe Girls.

ADVERTISING

Umpisahan natin kay Tiffany Uy. Kakaiba ang husay at talino niya. Kahanga-hanga ang galing niya. Talaga nga namang maipagmamalaki talaga ng mga Pinoy. Siya lang naman ang nakakuha ng pinakamataas na marka sa kolehiyo sa kasaysayan ng post-world war. Ang general weigthed average niya ay 1.04 sa kursong Biology.

Imba ang kagalingan niya. Mapapakanta ka nga naman ng “Nasa ‘yo na ang lahat” lalo na kapag nakita mo siya, maganda, simple, palangiti, matalino. Ikaw na ate! Ikaw na talaga! Ang nakabibilib pa rito, mayroon siyang social life at love life. Normal na tao pa siya sa lagay na ‘yan!

Ayon kay Tiffany, tulog ang isinasakrpisyo niya. Hindi siya matutulog hangga’t hindi natatapos ang kanyang aralin at may nabuo nga siyang daily habit ng pag-aaral. Hindi naman naging sagabal ang kanyang long-term boyfriend sa kanyang pag-aaral dahil going strong pa rin ang dalawa. Ayon din sa mga panayam niya, gusto niyang maging doktor upang makatulong sa kapwa niya. Kung iisipin, matutuwa ka kasi siguro narinig mo na ang linyang ito sa mga bata noon, pero hanggang salita lang siya sa iba. Pero si Tiffay, pinagpatuloy at pinatunayan ito. Wala talagang imposible sa taong nagpupursige.

ADVERTISING

Sumunod naman si Balang, ang bibo zumba kid ng Pilipinas. Hilig niya ang pagsasayaw na may kasamang nakagigigil na facial expressions kaya naman naging hit agad ang kanyang YouTube videos. Nang sumikat ito nang sumikat, siya’y inimbatahan ng international talkshow host na si Ellen De Generes upang ipamalas ang kanyang kagalingan sa buong mundo. Talaga nga namang napahanga niya ang lahat! Pinatunayan lang niya na world class ang talento ng mga Pinoy.

Kasabay ng pagsikat ng kantang Twerk It like Miley ay ang pagkakaroon ng viral videos ng mga bagets, kung saan ipinakikita nila ang iba’t ibang kagandahan at kagwapuhan ng mga Pinoy. Mag-e-emote at papa-cute lang sila sa videos. Kahit trip-trip lang ito, napasaya at nalibang naman ng videos na ito ang karamihan sa atin. Lalo na ng may Twerk It like Miley kids edition na! Mas cute na cute pa sila kaysa sa mga ate at kuya nilang nauna nang mag-upload ng videos nila. Mga bagets nga naman, hindi iniinda ang mga problema sa paligid kahit may pinagdaraanan, humahanap pa rin ng paraan para sumaya at magpasaya.

At siyempre hindi puwedeng mawala ang mga “Pabebe Girls”. Sikat na sikat na ito sa buong bansa, kung saan dalawang dalagita ang nag-video ng sarili nila at nag-acting bilang mga pabebe. Hindi lahat naging maganda ang pagtanggap sa video nila. May mga nainis, pero mas marami ang natuwa. Marami mang nam-bully sa mga bagets na ito dahil sa paggaya sa kanila at pagkalat ng memes nila, hindi sila nagpaapekto kaya naman mas tinatangkilik sila ngayon ng lahat.

Usapang Bagets
By Ralph Tulfo

ADVERTISING