Bianca Umali at Miguel Tanfelix, mas seryoso na sa bagong serye

ADVERTISING

Bianca Umali at Miguel Tanfelix, mas seryoso na sa bagong serye

Miguel-Tanfelix-Bianca-UmaliNAGSIMULA NA ng taping sina Miguel Tanfelix at Bianca Umali ng bago nilang pinagtatambalang serye sa GMA. Ito ay ang Maybe This Time na isang romance-drama ang tema.

“Masaya ang taping namin. Super-saya,” kuwento ni Bianca. “And again also, siyempre working with Miguel is kumbaga ‘yong buong months na we’ll be working on a show ulit, masaya talaga. And dito sa Maybe This Time compared to our past shows na pa-sweet and puro good vibes, this time meron nang halong twists and may hugot na ‘yong characters namin.”

Kahit magka-loveteam at ilang beses nang nagkatambal sa mga ginawa nilang projects before, kinailangan pa rin daw nilang paghandaang mabuti ang muli nilang pagsasama.

“Kinailangan naming mag-workshop talaga,” ani Miguel. “Kasi katulad nga ng sinabi ni Bianca, ibang characters itong ipo-portray namin ngayon. “Mas seryoso sa buhay. Mas maraming obstacles na pinagdaraanan.”

ADVERTISING

Sa bagong soap ba nilang ito na mangyayari ang kanilang first screen kiss? Kasi dampi lang ‘yong nauna sa Once Upon A Kiss.

“Hindi pa namin alam,” nangiting sagot ni Miguel.

Ready na ba sila sa mga intimate scenes kung sakali?

“Hindi pa masyado,” ani Miguel.

“Hindi pa sobra,” sambit naman ni Bianca.

Sa Maybe This Time, matinding acting na raw ang kakailanganin nilang ibigay.

“By November daw malamang na magsimula ang airing nito. Pero wala pang eksaktong date,” pahayag ni Miguel

“Basta before the year ends,” dagdag naman ni Bianca.

Mas maraming kilig moments daw na aabangan ang kanilang fans.

“Siyempre!” sabay ngiti ni Miguel. “Iyon ang hindi namin puwedeng tanggalin.”

Nitong September 21 ang birthday ni Miguel. Pero bago ito, nagkaroon na raw siya ng tatlong advance celebrations.

“Una, ‘yong sa… kasama ang Artists’ Center. Pangalawa no’ng September 19 (Saturday), kasama ang family ko at si Bianca, nag-dinner lang kami. Tapos sa mismong araw ng birthday ko, taping namin… kainan lang.”

Nangiti lang si Bianca nang mausisa kung ano ang birthday gift niya kay Miguel.

“Naku… secret!” tawa ng young actress. “Secret na lang muna. Makikita naman din ‘yon sa social media.”

Ano ang birthday wish ni Miguel?

“Iyon pa rin naman… more blessings. Sana mas mahalin pa ako ng mga taong mahal ko. Iyon! And more projects!” nangitng huling nasabi ng young actor.

Kabilang sina Bianca at Miguel sa mga young stars na ginawaran ng German Moreno Youth Achievement Award sa katatapos na 63rd Famas Awards kamakailan.

“Siyempre, bibihira na mabigyan ka ng ganitong award so very thankful kami ni Bianca,” sabi ni Miguel.

“First time namin na makasama sa awards na ito ng Famas. Kaya masaya kami.”

Dagdag na pahayag naman ni Bianca… “Also at the same time, excited and surprised talaga. Kasi hindi namin in-expect na mabibigyan kami ng ganitong award sa Famas.”

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

ADVERTISING