Bianca Manalo, naging beauty queen dahil sa namayapang ama

ADVERTISING

Bianca Manalo, naging beauty queen dahil sa namayapang ama

Bianca Manalo
Bianca Manalo

Hindi naiwasang mapahagulgol ng iyak ni Bianca Manalo, lead actress ng newest Kapamilya Network primetime serye na “My Super D” na hatid ng ABS-CBN at Dreamscape Entertainment Television at magsisimula nang mapanood sa April 18, bago mag-TV Patrol, nang mapunta ang usapan sa ‘kung bakit super ang daddy mo?’.
Kuwento ni Bianca Manalo, habang iiyak na, ang daddy niya raw ang nanghikayat sa kanya na maging beauty queen. Naaalala raw nito na 6 years old pa lang siya, kapag nanonood ng mga pageant ang tatay niya ay tinatawag siya kapag question and answer na at kapag tapos nang sabihin ang tanong ay hinihinaan nito ang volume ng TV at pinasasagot sa kanya ng tatay niya.
Dagdag pa ni Bianca, kung ano man siya ngayon ay dahil sa tatay niya, at ngayon nga raw na may kapatid na naman siya na lalaban sa April 17 sa Binibining Pilipinas, naaalala niya ang kanyang ama.
Grabe nga raw magparamdam sa kanya ang kanyang tatay na mag-iisang taon na ring yumao. Grabeng pagmamahal nga raw ang ibinigay nito sa kanila na kahit may nararamdaman na ay hindi pa rin sinasabi sa kanila hanggang sa namatay ito. Ayaw lang daw siguro nito na masaktan at mahirapan sila kaya sinikreto na lang nito kung ano man ang nararamdaman niya.

ADVERTISING

John’s Point
by John Fontanilla

ADVERTISING